CHAPTER 25: HINDI MAKAPANIWALA SI Patty nang sampalin siya ni Lindsay. Gigil na gigil ang sampal ni Lindsay sa kanya na nagresulta ng pamumula ng kanyang pisngi. “What the heck, Lindsay?!” Gulat na napatayo si Patty mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair. “Bakit bigla ka na lang nananampal?!” “I know what you did You want to be the next managing editor of this department, right?” kalmado ngunit halata ang galit sa mukha ni Lindsay. Kanina, habang kumakain sila, nagpapasalamat siyang naroon si Bea. Sa paraang iyon, napilit niya ang sarili na ilayo ang iniisip niyang si Spencer. Napadpad iyon kay Patty at Arthurito. Noong narinig niya ang pag-uusap ni Patty at Arthurito, narinig niya ang sinabi ni Patty. . . “Bilisan mo naman, ang tagal mong kumilos, naiinip na ako.” Iyon ang narin