CHAPTER 27: “ATE, MAY BISITA ka!” Natigil si Lindsay sa pag-da-drama nang marinig ang pagkatok ni Alexa sa may pinto ng kwarto niya. Kaagad niyang pinunasan ang mga luhang nagkalat sa kanyang pisngi saka inayos ang pagkakaupo sa may kama. “S-sino ‘yan?” tanong niya sa mahinang boses. Ayaw niyang mahalata ng kapatid niyang kagagaling niya lang sa pag-iyak. “Si Spencer daw,” sagot nito. Napapikit siya nang mariin. Ano na naman bang ginagawa no’n dito? Hindi pa rin ba tapos sa panloloko sa kanya? Gusto ba nito na mas malugmok siya? Iyong halos gumapang na siya sa sobrang sakit na nararamdaman? Ganoon ba? Hindi alam ng lahat kung paano siya nagluksa noong namatay si Julius. Si Julius ay isa sa pinakamalapit niyang kaibigan. Pagkatapos, siya pa ang inakusahan na naging dahilan ng pagkamat