CHAPTER 31: LINDSAY’S EYES WIDENED. Inaamin niyang na-miss niya ang halik nito ngunit hindi siya pwedeng magpadala. Mabilis na itinulak niya si Spencer palayo saka marahas na sinampal. “Bastos ka!” galit na singhal ni Lindsay. Spencer did not look at her. Doon lang niya na-realize ang kanyang nagawa, nabigla rin siya sa kanyang sarili. Hindi niya inasahan na magagawa niya iyon. Ganito na ba talaga siya kasabik na mapatawad ni Lindsay? “Kung sa tingin mo, madadaan mo ako sa pahalik-halik mo? Nagkakamali ka!” dagdag pa ni Lindsay. Hindi na makatingin pa si Spencer, nanatili siyang nakatingin sa gilid habang pinakikinggan ang mga sinasabi nito. “Pagkatapos mo akong lokohin at saktan, sa tingin mo madali lang para sa akin ang patawarin ka?” halos pumiyok ang boses ni Lindsay. She even