Kabanata 18 Malalim ang mata ko nang gumising kinabukasan. Wala rin akong ganang kumain. "Amber?" Bigla akong napa angat nang tingin kay Damian na kasalo ko sa pagkain. "Are you alright? Mukang matamlay ka, may dinaramdam kaba?" Bakas sa tinig nito ang pag aalala. Sumulyap ako sa katapat kong silya kung saan naka upo si Zandro sa tuwing almusal. Ngunit bakante ang silyang iyon ngayon. "Wala, medyo napuyat lang ako kagabi." Sabi ko na siniglahan ang pagkain.. "Hmm.." Tumango lang ito saakin. Doon lumapit si Manang Olga saamin nang paglagayan kami nang juice sa glass. "Maaga bang umalis si Zandro?" Tanong ni Damian dito. "Naku, Sir kagabi pa ho umalis buhat nang hinatid si Helga kagabi ay hindi pa umuuwe." Sumulyap ito saakin tapos ay gumilid kay Damian para ituloy ang ginagawa. "A