Kabanata 21 "Amber?!" Bakas ang gulat nito saakin nang sabihin ko iyon.. "Yes, Damian payag na akong magpakasal saiyo." Maluwang ang ngiti ko sa kaniya. "The moment you said yes, there is no turning back Amber?" Masuyo na niyong sinabi pero bigla ay para akong kinabahan, ngunit pilit pa rin akong ngumiti dito. Pinuno ko muna nang hangin ang dibdib ko bago muling magsalita. "Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon at patuloy na lumalaban. Hindi mo lang alam kung gaano ako nagpapasalamat sa lahat nang tulong mo saakin." Tumitig ito sa mga mata ko, hindi ko makapa ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, Wala akong mabasa sa mga mata nito dahil sa pag uulap nang mata ko sa nagbabadyang pag iyak. "No, please.." Maagap niyang sinapo ang dalawang pisngi ko at tumitig sa mga mata ko.

