Kabanata 41 Huminto ang sasakyan niya sa Isang ancestral house na ang tinutumbok ay ang magandang dagat ng San Felipe, pinatay nito ang makina at bumaling saakin ng tingin. "Bakit tayo nandirito?" Tanong ko na nakahalukikip pa rin at nasa harapan lang ang tingin. "Lets just talk, Amber.." Ulit niya saakin kanina pa. "Hindi paba tayo nag uusap nang lagay na ito?" Sagot ko. Hindi ito nagsalita pa, rinig ko rin ang marahas nitong paghinga bago patayin ang makina. Bumaba ito at gimilid sa banda ko pero ako na mismo ang nagbukas ng pinto kaya bahagya pa itong napa atras sa paglalapit namin. Hindi ako nag pa tinag kaya dumiretso na ako nag lakad palayo dito. Huminto ako sa paglalakad nang maramdaman ko na ang buhangin sa aking suot na sandalyas, marahan ko ring hinawi ang takas kong buhok

