KABANATA 10 Wala akong imik nang hilahin niya ako patungo sa VIP room.. Nang maisara nito ang pinto ay saka lamang ako nakahinga nang maayos. "Anong ginagawa mo dito?" Nilingon ko siya na kunot ang noo dahil sa tanong niya saakin. "Tell me!!" Malakas nitong sigaw. "And look at you?! Paano mo nagawang ibenta ang sarili sa mga gagong iyon?!" Tila may pait ang salitang binigkas nito saakin. "Please magpapaliwanag ako." Sabi ko na humakbang para lumapit sa kaniya pero nag-iwas ito saakin. Tutop ko ang bibig sa kaniyang naging reaksyon, bumalong muli ang mga luha ko dahil sa mga tingin niya. "Hinayaan mo hawakan ka nang iba at magpahalik kung kani-kanino?!" Bakas ang sakit sa bawat pag bitaw niya ng salita. "Hindi mo naiintindihan Tristan.. Si Tiyang.." "The hell with them Laurene, La