KABANATA 4

2032 Words
Kabanata 4 Maaga ako kinabukasan sa palengke, paano'y puyat lahat ng mga kasama ko sa bahay maging si Tiyang ay hindi ko na ginising dahil alam kong nakipag sabayan ito kila kuya Leo kagabi sa pag inom. "Oh bangus, tilapia, galunggong! bili na kayo mga suki! nako sariwang-sariwa ito!"  Walang hiya-hiya kong sigaw sa mga dumaraan na mga tao. "Bili na kayo ng isda, sariwang sariwa!" "Miss.. kasing sariwa mo ba iyang tinitinda mo?" Agad akong lumingon sa lalaking nag salita.. Humugot muna ako nang malalim na paghinga bago ako ngumiti sa kanya. "Sir, bili na kayo sariwa pa yan sa nanay n'yo, kahit pa sa jowa mo!"  Nakangiti kong sabi sa kanya.. Tila di nito nagustohan ang sinabi ko kaya ito sumimangot bago ako talikuran. Aba! di yata ako papa-agrabyado lalo na kung babastosin lang ako. Hindi bale nang wala akong kita kesa naman hayaan kong bastosin ako ng mga ito. Ginawa ko ay bumalik ako sa pag sigaw at naghanap ng mga parakoyano na bibile ng paninda ko. At sa huli ay naka ubos nga ako, Iyon nga lang tinanghali na ako kaya nagmamadali akong maka uwe para ipag luto sila nang almusal. "Bakit ngayon ka lang? Abay tanghalian na!" Salubong ni tiyang saakin na may hawak na kape. "Pinaubos kopa kasi itong paninda tiyang sayang naman po kung may matitira." "Kung ganon, eh umpisahan mo nang magluto ng almusal at kanina pa nagugutom si Megan, mala-late nanaman yan sa klase!" Pabalang niyang sabi saakin. "Opo." Dumiretso ako sa kusina para ipagluto sila ng almusal, sa totoo lang simpleng gawain lang naman ito bakit di pa nila magawa, bakit hindi sila makakakilos nang wala ako? "Ano ba paki bilisan mo nga d'yan, late nako sa klase ko!" Sigaw saakin ni Megan na nakaharap na sa lamesa. Maya pa ay inilapag ko rito ang pritong itlog at hotdog, nilagay ko rin ang sinangag at ang mainit niyang kape. "May kailangan ka paba?" Tumitig ako sa mga mata niya na agad na nag-iwas ng tingin saakin. "Wala na." Sagot nito kaya dumiretso na ako sa aking silid para magpahinga, ngunit hindi pa ako nakakahiga nang bumukas ang pinto at si kuya Leo ang pumasok. "Hoy, Laurene nasaan yung jersey kong short ko na nilaban mo kahapon? Bakit wala sa kabinet ko?" Kumunot ang noo ko sakanya at inalala kung saan ko ba iyon nalagay, napalunok ako dahil mukang nakalimutan kong isilong iyon kahapon. Kumaripas ako ng takbo sa gilid ng bahay ngunit bigo na akong makita roon ang sinasabi niyang short. Bumalik ako na pawisan ang noong humarap sa kanya. "Oh nasaan na?" Nakapamewang nitong bungad saakin. "Kasi ano--nakalimutan ko yatang isilong kahapon at.. nawala sa sampayan." Yukong-yuko ako habang sinasabi iyon sa kanya.. "Ano?! may laban kami ng Basket ball mamaya ano ang susuotin ko ngayon?!" Napapikit ako dahil halos dumagundong sa buong kabahayan ang boses ni kuya Leo. "Pasensya kana kuya, nawala talaga sa isip ko na isilong ang--" Natigil ako sa pag sasalita paano'y hinaklit niya ang braso ko. "Ikaw, wala ka talagang utak!" Dinuro niya ang sintido ko nang paulit-ulit. "Tonta kana nga, tanga kapa!" Hinila niya ako patungo sa loob nang kanyang silid, habang ako ay napangiwe dahil sa higpit nang kanyang hawak sa braso na parang gusto ng baliin. Hinagis niya ako sa kama niya, habang bakas saakin ang matinding takot. "Simpleng bagay lang ang pinapagawa saiyo di mo pa magawa?!" Lumapit ito at sinapo nang mahigpit ang pisngi ko. "Nasasaktan ako--kuya." Pilit ko paring sabi, umaagos narin ang mga luha ko dala ng takot sa maari niyang gawin. "Talagang masasaktan ka!" Tinulak niya ako para mapahiga sa kama, mabilis sana akong tatayo ngunit hinawakan na niya ang dalawa kong kamay para muling mapahiga. "Kuya Leo!" Nanghihitakutan kong sabi. Pinagmasdan lang niya ako habang umiiyak, bakas sa muka niya ang ngisi saakin. Wala akong nagawa nang ililis niya ang duster kong suot at malayang hinaplos ang mga hita ko. Gusto kong sumigaw pero,dahil sa dala nang takot ay pumikit nalang ako at mariing nagdasal na sana ay magbago ang isip niya at pakawalan ako. "Pasalamat ka pinsan kita, pero hindi ako magkikiming wasakin ka pag inulit mo pa yang katangahan mo!" Bigla niyang itinaas ang kamay patungo sa aking dibdib kaya nanlaki ang mga mata ko sa takot. "Leo anong ingay bayan?!" Nanginginig ang labi ko sa takot, gusto sana magsisigaw pero pinandilatan ako nito nang mata kaya napapikit nalang ako.. "Wala Ito inay." Sigaw ni Leo. "Kumain kana rito at may laban ako ng majong kila Betty!" Sigaw ni Tiyang. "Susunod na ho ako!" Matapos noon ay pinakawalan na nito ang pulsuhan ko at ngumisi saakin ng tayo. "Pag hindi mo nahanap iyon bago ang laro ko.. Ikaw ang paglalaruan ko, naiintindihan mo?" Nanlalaki ang matang sabi nito. Nanginginig na tumango tango ako bago tumayo na para takbohin palabas ang kaniyang silid. Iyak ako ng iyak nang makapasok sa sariling silid, ni hindi ko na nga nakuhang kumain dahil sa takot na mag krus muli ang landas namin ni kuya Leo. Iniisip ko ngayon kung saan lupalop ko hahanapin ang jersey niya. Patay ako pag wala akong nailabas mamaya. Hinintay ko munang makaalis ang tao sa bahay saka ako lumabas para mag hugas ng pinagkainan nila, kasabay narin ang pagluluto ko ng tanghalian. Ginawa ko muna ang mga dapat kong gawin bago ko hinanap ang jersey nito. "Aling Pasing?" Sunod-sunod ang katok ko sa kanilang pinto. Ito lang kasing bahay ang malapit saamin baka kaya di sinasadyang naisilong ito. "Oh Laurene anong atin?" Bungad ng may edad na babae saakin. "Ah, aling Pasing tanong ko lang ho kung may naligaw oh kung may naisilong kayong jersey na short at sando kahapon, kasi ho nawala sa sampayan, nakalimutan ko ho kasing isilong." "Jersey ba kamo? Ay hindi ako sigurado, si Romeo kasi ang inatasan kong mag silong ng mga sampayin kagabi. Ako ang nagtupi ng mga damit pero wala akong napansing jersey." "Ganon po ba? Salamat nalang ho, pasensya na po sa istorbo." Tumalikod na ako rito bitbit ang nerbyos at kaba sa puso. Hinalungkat ko na ang mga damit ko maging sa aparador ni Kuya Leo ay naghanap ako ngunit wala. Samantalang naka lock naman ang silid ni Meghan at Tiyang. Hilot ko ang sentidong naupo sa aking kama, hindi ko lubos maisip kung saan naba napunta iyon. Sumapit ang tanghalian, tanging kami lang ni kuya Leo ang kumain, pasalamat ako at hindi na nito inungkat ang jersey niya kaya marami akong nakain dahil hindi naman ako nag almusal kanina. Pagbalik ko sa sariling silid ay mabilis kong ni-lock iyon, mahirap na baka bigla nalang pumasok dito si Kuya leo, sa totoo lang kinakabahan ako sa maaring mangyare. Paano nalang kung ituloy nga nito ang balak niya saakin? Ano ang laban ko sa kaniya? Isa pa iniisip ko kung aalis nalang ba ako oh maghihintay na gawin niya saakin ang naiisip kong kahalayan? Hindi ko na alam, pero sana ay magbago ang isip niya.. sana.. Naka tulog ako sa ganoong pag-iisip nang ma pabalikwas ng bangon sa sunod-sunod na katok mula sa pinto. Mabilis ang ginawa kong pag-upo sa sulok ng aking kama dahil sa takot. "Laurene, buksan mo toh! Nasaan na yung jersey na pinahahanap ko saiyo?" Nanginginig na umiling iling ako habang nakayakap saakin ang kumot. "Laurene, pag hindi mo to binuksan talagang malilintikan ka saakin makikita mo!" Sigaw pa nito kasabay ng malalakas na kalabog sa pinto. Pumikit ako at nagtakip nang tenga, kahit anong mangyare ay hindi ko bubuksan ang pinto. Kagat labi kong daing sa sarili. "Isa, dalawa!" wag mong hintaying maging tatlo dahil malilintikan ka talaga!" Sigaw pang muli nito. Nang bigla itong bumukas at iniluwa ang galit na galit na si Kuya Leo. "Ginagago mo ba ako ha?" Marahas nitong hinila ang kumot sa aking katawan. "Kuya Leo wag mong gawin to, hindi ko talaga makita yung jersey mo. Parang awa mo na Kuya!" Basang basa na ang dalawang pisngi ko sa luha habang nag mamakaawa. "Pag sinabi ko sinabi!" Matapos noon ay hinaklit niya ako para hilahin palabas ng aking silid.. "Kuya Leo wag!" Malakas kong sigaw ngunit mabilis niyang tinakpan ang bibig ko kaya nanlaki ang mata ko sa matinding takot. "Sssh.. pag nag-ingay ka tatamaan ka saakin, naiintindihan mo?" Bulong niya ng sabi bago ako ngisihan. Tila nakakita ako ng isang demonyo sa katauhan niya. Hanggang sa hilahin na nga niya ako papasok sa kaniyang silid at padarang akong tinulak sa sahig. Mabilis niyang nilock ang pinto habang ako ay nahihintatakutan sa maari niyang gawin. Narating ko ang sulok para doon sumiksik pero mabilis niyang hinila ang paa ko kaya ako napahiga sa sahig. "Wag kuya!" Muli kong sigaw.. "Putang.. tahimik!!" Duro niya pisngi ko.. "Paki-usap hindi tama ito.." Bulong ko habang umiiyak. Ngumisi lamang ito saakin matapos ay biglang nililihis ang duster kong suot, napa sigaw ako kaya niya tinakpan ang bibig ko. Puntirya niya ang hita ko na hinimas himas niya. Nanlalaki ang mata ko at panay ang pisag dahil sa matinding takot. Nilapit pa nito ang muka saakin para ako bulongan. "Ssssh.. sandali lang ito, mag e-enjoy ka rin sa huli maniwala ka saakin." Matapos noon ay marahang inamoy ang buhok ko. " Ang bango mo talaga." Ramdam ko ang halik niya sa leeg ko na nagpatindig nang balahibo ko sa katawan. Kinuha ko ang pagkakataon para siya pag susuntokin pero maagap niya hinawakan ang dalawa kong kamay paitaas sa aking ulo. "Sige sumigaw ka! Kung ayaw mong maligo sa sarili mong dugo!" "Kuya please, maling mali itong ginagawa mo. Magpinsan tayo." Paos na ang boses ko kaya hindi ko alam kung makaka sigaw paba ako. Pero hindi ito nakinig dahil sinakop na nito ang mga labi ko para halikan. Marubdob ang una kong halik. Napaka pait niyon di gaya ng inaasahan ko sa mga panaginip ko. Pakiramdam ko ay masusuka ako ano mang sandali. Pilit niyang pinasok ang dila saakin kaya wala akong nagawa kundi ibuka ang bibig ko. Halos maubos na ang lakas ko kaka kislot kaya walang gana akong nagpatangay sa gusto niya. Pumikit ako ng mariin at ang imahe nang babaeng nakatalikod saakin ang nakita ko. Iniabot niya ang kamay saakin kaya bigla akong napadilat. Ang demonyong muka ni kuya Leo ang namataan ko kaya wala akong sinayang na sandali para magipon nang lakas para siya itulak. At nag tagumpay nga ako, Pinagpapalo ko ito nang makalayo saakin. Pero hindi pa ako nakakatayo ng bigla kong maramdaman ang malakas niyang suntok sa aking sikmura. Napangiwi ako sa sobrang sakit, parang namanhid ang balakang ko sa ginawa niya, ilang ubo din ng ginawa ko dahil tila may kung anong gustong lumbas sa bibig ko. Ang akala kong tapos na ay nasundan pa nang mas malakas na suntok. Bigla ang panlalabo nang paningin ko at ang demonyong muka ni Kuya Leo habang nakangisi ang nakita ko. "Gusto mo nang paspasan ha?" Naramdaman kong binuhat niya ako patungo sa kaniya kama, at pabalang na inihiga roon. Umiikot na ang paningin ko ng isang malakas na sampal pa ang pinadamo niya saakin kaya unti-unti na nga nagdilim ang paligid... ----- Nang magising ako ay nasa sarili ko na akong silid. Mabilis ang ginawa kong pagsipat sa sarili.. Maayos ang suot kong duster pati narin ang mga panloob ko ay tila hindi nagalaw. Pinakiramdaman ko ang sarili mukang wala namang masakit saakin oh kung ano. Tanging putok sa labi lamang ang nararamdaman kong makirot. Naka hinga ako ng maluwang nang mapagtantong walang nangyare saaking masama. Hindi itinuloy ni kuya Leo ang balak niya. Nagpasalamat ako sa Diyos dahil hindi niya hinayaang mapahamak ako. Bumangon ako para sana maligo nang madatnan ko si Kuya Leo na nanonood ng TV sa salas. Nais ko sanang umatras nang tumitig ito sa mga mata ko. "Ayos naba ang pakiramdam mo?" Tanong nito. "Matapos ng ginawa mo, tatanongin mo ako ng ganyan?!" Galit ako Oo, dahil hindi tama ang ginawa niya. "Easy, hindi kita ginalaw at wala akong balak." Ngumisi itong muli saakin. "Wag mo lang subukang magsumbong kahit kanino man, dahil hindi ako mag kikiming totohanin na gawin saiyo yon!" Prente nitong sabi habang naka dewatro pa ng upo sa sofa. Mabilis ko na siyang tinalikuran para bumalik sa aking silid. Hindi nalang muna ako maliligo kahit pa lagkit na lagkit na ako ay mas pinili kong magkulong nalang sa kwartong ito. Bumalik ako sa pagkakahiga at malayang pina-agos ang masaganang luha. Nakakasama ng loob ang mga nangyayare. Gustohin ko mang umalis na sa bahay ay hindi maari dahil wala akong pupuntahan. Sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang panahon para umalis, susubukan kong maka-ipon paunti-unti nang sa ganon pag umalis ako ay may madadala akong pera sa pagsisimula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD