Kabanata 31 Mabilis lumalakad ang araw, nasanay na rin ako sa routine na meron ako sa Mansyon, pati na rin ang presensya ni Aling Martha, ayaw kasi ni Zandro na ako ang gagawa nang gawaing bahay kahit pa kaya ko naman. Kung minsan ay tinutulongan ko nalang si Lola sa pag lilinis,pag didilig at pagwawalis sa hardin araw araw. Ganon rin si Zandro, araw araw rin itong umaalis para pumasok sa Munisipyo, mukang ayos naman ang pamamalakad niya doon salungat sa sinasabi saakin ni Helga. hindi ko na rin binangit sa kaniyang galing ito dito noong nakaraan, baka lalo lang lumaki ang gulo pag sinabi ko pa iyon sa kaniya.. Napukaw ako nang mga tawanan mula sa labas kaya mabilis kong hininaan ang apoy nang niluluto kong ulam bago ko sinohin ang dumating. Nadepina ang labi ko nang makitang hindi pam

