Chapter Four
"Aba'y asensado dahil kabit ng mayor si Mameng?" ani ni nanay habang nagpapahinga kami sa sala.
"Opo, nanay. Kapag nasa trabaho si Tiyo ay madalas nagpupunta si mayor at nagkukulong sila ni Tiya sa silid."
"Napakayabang ng pamilyang iyon tapos gano'n pala ang ginagawa ni Mameng. Tsk. Akala mo'y sobrang lilinis nila. Hindi man tayo asensado ay wala naman tayong ganyang gawain."
"Toto, huwag ka nang magagawi roon pagkatapos ng eskwela." Bilin ko sa kapatid.
"Opo, ate. Hindi na talaga." Porke mahirap kami, pinahihirapan din kami ng mga kaanak namin. Mga abusado rin eh.
"Calliope, mag-iipon kami ng nanay mo para makapag-aral ka ulit." Seryosong ani ni tatay.
"Tay, nalipasan na ako ng panahon. Si Toto na lang ang pagpursigihan nating mag-aral. Mas matalino si Toto. Mas kaya niyang mag-aral sa kolehiyo. Tama si Lola, bobo ako. Baka masayang lang ang pera ninyo sa akin." Napabuntonghininga pa ako saka pilit na ngumiti sa magulang.
"Hindi totoo iyan, Calliope. Matalino ka, anak. Saka walang perang masasayang dahil alam naming kapag nag-aral ka ay magsusumikap ka. Anak, hindi ka pa nalipasan ng panahon sa pag-aaral. Walang edad na batayan kung kailan ka magpapatuloy sa edukasyon mo. 24 ka pa lang, anak. Bata ka pa." Naluluhang ani ng nanay ko.
Pangarap kang maging pastry chef. Pero alam kong magastos kapag nag-aral ako. Kakayanin ba iyon?
"Anak, kahit vocational. Pwede. Gagawa kami nang paraan ni tatay." Panghihikayat ni nanay sa akin.
"Pag-ipunan natin, 'nay?" alanganin ani ko. Parehong napatango ang magulang ko.
Nang natapos ang usapan ay nagkanya-kanya na kami nang gawa sa bahay.
Pinagdiskitahan ko ang mga kamote.
Mukhang seryoso naman si Apollo na gamutin ang sugat ko kaya naman gagawa na lang ako ng kamote delight.
Nagpabili lang ako sa kapatid ko ng mga kulang na ingredients, inihanda ko ang mga kailangan pa.
Bukas ko pa talaga iluluto iyon pero tiyak na maaga dahil maaga ang pasok ng magulang namin.
Kinabukasan ay mas nauna pa akong nagising kina nanay.
Nagsaing na ako para paggising ng mga ito ay hindi na nila iyon aalalahanin pa. Nagluto na rin ako ng kamote para mabilis na lang mamaya.
Abalang-abala ako sa kusina nang pumasok doon ang aking ina.
"Calliope, bakit ikaw ang gumagawa d'yan? Ako na. Alis d'yan at magpahinga ka na muna." Taboy ni nanay sa akin.
"Ayos lang, nanay. Kaya ko naman po ito." Sa loob ng apat na taon na sobrang bigat ng trabaho ay nasanay na lang din talaga ako sa gano'n.
"Nagkape ka na ba, anak?"
"Hindi pa po." Tugon ko habang abala sa pagdudurog ng kamoteng nilaga ko.
"Ipagtitimpla kita." Dinig kong ani nito saka ito nagtungo sa lagayan namin ng mga tasa.
Kung sa bahay ni Tiya Mameng ay gawain ko ang lahat... dito sa amin ay tulungan. Hays. Bakit nga ba nagtiis ako ng apat na taon doon?
Well, simple lang ang sagot. Gina-gaslight kasi ako palagi ng mga tao roon na walang ibang tatanggap sa akin at magbibigay ng trabaho kung 'di sila lang... kasi bobo ako.
Madilim-dilim pa ay naglalakad na kami papuntang farm. May mga katrabaho sila nanay na kasabay pa namin. Pagdating doon ay agad na silang kumilos.
Ako? Tumambay muna ako sa kuba. 8 am saka lang ako nagpaalam na maglalakad-lakad muna. Dala ko ang kamote delight na para kay Apollo.
Naiwan sa kubo si Toto dahil nagre-review ito.
Pagdating ko sa kamotehan ay wala roon si Apollo kaya naman dumeretso na ako sa batis.
Doon ko ito nakita. Nagluluto ito at mukhang sa sobrang focus niya roon ay hindi na niya ako napansin pa.
"Apollo!" tawag ko rito. Gulat na gulat ang lalaki na napaso pa sa lutuang nakasalang.
"Damn!" ani ng lalaki saka masama ang tingin nang lumingon ito sa akin. Parang kasalanan ko pa.
"Busy ka yata masyado, Apollo. Kawawa naman iyong nagpapasahod sa 'yo." Komento ko sabay upo sa papag.
"Bakit na naman naging kawawa?" takang tanong nito saka ito nanguha ng mangkok at sinimulang salinan iyon ng noodles.
Inilapag niya iyon sa papag saka muling nagsandok.
"Kasi nandito ka't nagluluto-lutuan imbes na magtrabaho."
"Heay! I just want some noodles. Hindi ako nagluluto-lutuan." Nang mailapag niya ang pangalawang mangkok ay sunod nitong kinuha ang juice na na medyo nagyeyelo pa.
"Eat." Utos nito.
"May baon din ako, Apollo. Kamote delight." Inilabas ko agad sa plastic iyon at ipinakita rito.
"Para sa akin?" agad akong tumango. Kinuha naman niya iyon at binuksan. Inamoy pa nga. "Smells good." Puri nito.
"Masarap iyan, Apollo. For sure nilaga at inihaw lang ang alam mong luto sa kamote. Try mo iyan."
"Salbahe ka kamo. Pasimpleng nang-iinsulto ka rin eh." Umirap pa ito sa akin. Saka niya dinampot ang kutsara at tinikman ang kamote delight ko. "Masarap."
"Alam ko." Tugon ko naman.
"Tikman mo iyan ramen ko. Baka hindi ka pa rin nakatikim n'yan."
"Palagi namang akong nakakakain ng noodles. Kahit pa manok o baboy ang ulam doon sa pinagtratrabahuan ko ay noodles pa rin ang pinapaulam sa akin." Natatawang ani ko. Idaan na lang sa tawa iyong mga memories na may bigat sa dibdib ko.
"Ibang noodles iyan. Sosyal iyan. Tikman mo na." Agad ko namang dinampot ang tinidor at tinikman ang noodles nito.
"Wow! Masarap nga!" amaze na ani ko rito.
"I told you." Pagyayabang ng lalaki saka ito muling sumubo ng kamote delight ko habang ako naman ay nagpatuloy sa pagkain sa ramen nito.
Ang ending, ako ang nakarami sa ramen niya. Tapos naubos naman nito ang kamote delight ko.
"Calliope, tiyak magugustuhan ito ng Lola ko. Nagbebenta ka ba nito? Ipapatikim ko sa kanya."
"Talaga? Libre lang. Pwede kong gawaan ang lola mo. May kamote pa naman sa bahay."
"Libre? No. Gawa ka ng bente piraso nito tapos bibilhin ko."
"Ha? Bente ba ang lola mo?" takang tanong ko rito.
"Nope, pero marami akong pinsan at mga kapitbahay na pwedeng pagbentahan at tiyak kong hindi sila makakatanggi."
"Totoo ba iyan, Apollo? Baka joke-joke lang. Baka mapagastos lang ako."
"How much ang ingredients? Magpauna na ako ng bayad para may pambili ka."
"Seryoso?"
"Oo nga." Saglit akong nag-isip.
"May kamote pa sa bahay pero baka kulangin iyon kung bente na tub ang gagawin ko."
"Problema ba iyon? Maghukay tayo ng kamote."
"Naku! Baka naman magalit na ang may-ari n'yan. Ayaw ko, Apollo."
"Bili ka? May binebentang kamote sa guard house minsan."
"Seryoso ba?" nakakapagtaka naman na biglang may magtitinda na ng kamote sa guard house.
"Seryoso nga. Kahit itanong mo pa kay manong sa guard house. Hindi ako nagbibiro." Tumango-tango ako rito.
"Sige. Pero magpauna ka muna. Kapag kumita ang kamote ay hahatian kita."
"Hindi na. Basta makatikim lang ang mga pinsan ko---"
"Akala ko ba'y Lola mo?" natigilan tanong ko.
"Pati si Lola. Pati mga pinsan. Isama mo na rin ang kapitbahay."
"Sige na nga. Salamat, Apollo. Pero saan tayo magkikita? Dito rin ba?"
"Hindi. Doon na lang sa rest house. May makikita kang pwesto sa harap no'n na may table. Doon mo iwan. Tapos bukas ng hapon pumunta ka rito para maibigay ko sa 'yo lahat nang kinita."
"Akala ko ba'y bibilhin mo sa akin? Kahit tag-50 lang isang tub."
"What? Sa sarap no'ng kamote ay dapat tag-500 isa."
"Hoy! Kamote lang iyon at hinaluan ng gatas. Huwag kang sugapa, Apollo." Nakaingos na ani ko rito.
"Hindi ka naniniwala sa sarap ng kamote delight mo? Gusto mo pustahan tayo?" nanghahamong tanong ni Apollo sa akin.
"Anong pustahan?"
"Kapag mapaubos ko ang kamote delight ay sasamahan mo ako sa mga lakad ko sa mga susunod na araw, kikita ka ng 10k. Kapag hindi ko napaubos ang kamote delight ay babayaran kita ng limang libo." Parang nagningning ang mata ko sa limang libo.
Pero iyong isang sinabi nito... parang nakakatakot sang-ayunan.
"Sasama sa 'yo?" takang tanong ko rito. Tumango naman ito.
"Oo. Sasamahan mo ako sa mga lakad ko. Isang linggo kang hindi pwedeng tumanggi. Kung pupunta ako sa bayan... sasama ka. Kung tatambay rito... sasama ka pa rin."
Ah, iyon lang pala eh.
"Deal. Basta hindi pwedeng malaman nila nanay. Ayaw ko kasing magduda sila. Alam mo naman ayaw kong ma-link sa... sa..."
"Sa magsasaka?" dugtong nito. Hindi naman ako nahiyang tumango.
"Walang problema iyon, Calliope. Walang makakaalam. Para hindi ka rin mahirapan pwedeng dito ka sa shortcut dumaan. Kunin ko na rin ang number mo at ite-text na lang kita kung ano ang magiging plano."
"Sandali! Parang sure na sure ka namang mananalo ka sa pustahan."
"Ako pa ba? Tiyak kong mapapaubos ko ito at maibebenta ng limang daan." Tinitigan ko si Apollo. Saglit na nag-isip saka ako tumango.
"Deal. Dapat kikita ako ng 10k d'yan ha."
Malalaman ko naman kung panalo ako o hindi. Kung 5k lang ang ibibigay niya sa akin ay ibig sabihin hindi niya napaubos. Kung napaubos naman niya at 10k ang pera, ibig sabihin lang no'n ay napaubos niya at siya ang panalo.