Nakulong na lamang sa lalamunan ni Diana ang kanyang pagsinghap. Hindi rin maiwasan ang panlalaki ng kanyang mga mata dahil sa ginawa ni Rafael. Sa ikalawang pagkakataon ay inangkin nito ang mga labi niya! Sa ikalawang pagkakataon ay hinalikan siya nito! Agad niya pa ngang naitukod ang kanyang mga palad sa matitipunong dibdib ng binata. Dahil sa biglaang paghapit nito sa kanya ay halos nawalan siya ng balanse at ang paghawak sa dibdib nito ang awtomatikong naging tugon ng kanyang katawan. Bagay iyon na halos gusto niyang pagsisihan. Hindi nakatulong ang pagtukod niya ng mga palad sa dibdib ni Rafael. Pakiramdam niya nga ay waring mas nagdagdag iyon ng dahilan para mawala rin siya sa kanyang sarili. The moment her palms touched his masculine chest, all her sanity almost left her. She just