NINONG SENATOR 9

2398 Words
Lorna's POV Naglalakad ako sa mahabang corridor ng campus habang yakap ang mga libro ko. Tahimik kong iniisip ang susunod naming subject nang bigla kong marinig na may tumawag sa pangalan ko. "Lorna!" Napalingon ako at nakita kong mabilis na humahakbang palapit sa akin ang isa kong kaklase. Kaagad ko itong nakilala. Si Bernadette. Naalala ko pa noong unang araw na pumasok ako. Siya ang babaeng nagtulak at nagtisod sa akin sa harap ng aming kaklase. Akala ko nga ay hindi na siya magbabago pagkatapos nun pero humingi naman siya ng sorry sa akin. Kasama niya ang ilan niyang kaibigan na nakangiti habang papalapit sa akin. "Ano'ng meron?" tanong ko nang tuluyan silang makalapit. "May lakad ka ba mamaya pagkatapos ng klase?" tanong ni Bernadette. "Ah... wala naman," sagot ko. "Uuwi na rin ako pagkatapos ng klase." Napailing siya at napabuntong-hininga. "Ang boring naman ng buhay mo," natatawa niyang sabi. "Sumama ka sa amin mamaya." Napakunot ang noo ko. "Saan?" "Girls' night out!" masigla niyang sagot. "Pupunta kami sa bar. Ang boring kaya ng buhay kapag bahay at school lang ang routine mo." Hindi ako mahilig sa ganoong bagay. Kung tungkol sa church siguro baka sasama pa ako. "Pasensya na, pero hindi ako puwede." kaagad na tanggi ko. "Bakit naman?" nakangising tanong niya. "Magagalit ba ang parents mo? Ang laki-laki mo na, natatakot ka pa rin sa parents mo?" Napayuko ako sandali. Ang totoo... hindi naman ako natatakot kina Mama at Papa. Hindi ko nga sila kasama ngayon. Ang kinatatakutan ko ay ang Ninong ko. Siya ang kumupkop sa akin, nagpaaral, nagbigay ng tirahan at lahat ng kailangan ko. Hindi tama na abusuhin ko ang tiwalang ibinigay niya sa akin para lang gumala sa gabi. Isa pa, hindi talaga ako gumagala sa gabi lalo na sa isang bar pa. Bahay at school lang ang nakasanayan ko. Wala akong interes sa mga bar, inuman, o magdamagang kasiyahan. Para sa akin, hindi ko kailangang sumama sa ganoong lugar para lang masabing nag-e-enjoy ako. "Ahm! May naghihintay kasi sa akin sa bahay," mahinahon kong paliwanag. "Tsaka... hindi talaga ako mahilig sa mga gano'ng lugar." "Grabe ka naman," sabi ng isa niyang kasama na kaklase rin naman namin. Hindi ko lang matandaan ang pangalan. "Minsan lang naman. Ang boring naman ng life mo. Ano ka ba, mag-mamadre?" nagtawanan sila. Ngumiti lang ako at marahang tumango. "Tama ka, panagarap kong maging madre. Kaya pasensya, hindi talaga ako makakasama." Nagkatinginan silang magkakaibigan bago sabay-sabay na natawa. "Seryoso? Magmamadre ka talaga?" halos hindi makapaniwalang tanong ni Bernadette. Tumango na lamang ako. "Huwag niyo ng pilitin kung ayaw." sabay-sabay kaming napalingon sa biglang nagsalita sa aking likuran. Napaawang ang labi ko ng makitang isang lalaki ang lumapit sa akin. Matangkad, maputi at higit sa lahat gwapo. "Derick." sambit ni Bernadette. Derick pala ang pangalan niya. Ngayon ko lamang siya nakita. Narinig ko ang sabay-sabay na tilian ng mga kababaihan sa corridor. Hindi ko tuloy alam kung bakit napapatili silang lahat. Pero ngayon unti-unting nag-sink in sa isip kong si Derick ang tinitilian nila. Tuluyan na siyang nakalapit sa akin. "Hi!" bati niya sa akin. Mas gwapo pa siya sa malapitan. "My name's Derick, by the way. And you are?" he introduced himself. I was caught off guard for a moment, but I eventually snapped out of it. "Uhm... L-Lorna." Inilahad niya ang kamay sa akin. Hindi ko kaagad ito tinanggap. Nagawa ko pang tumingin kina Bernadette at sa ibang babaeng nasa paligid namin. Nakataas ang mga kilay ni Bernadette habang ang iba naman ay ang sama ng tingin sa akin. "Hindi na siguro kailangan." nakangiting sabi ko sa kaniya. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa kaniyang mukha. Ang gwapo naman kasi niya. Kaya hindi nakakapagtaka kung maraming humahanga sa kaniya. "Magpasalamat ka pa nga dahil nakipagkilala sa 'yo ang hearthrob ng school na ito tapos tatanggihan mo lang." nakataas ang mga kilay na sabi ni Bernadette. "Pasensya na." tipid na sagot ko. "It's okay, actually, natutuwa nga ako dahil may nag-iisang babaeng tumanggi sa akin." nakangiting sabi ni Derick. "G-ganoon ba." Medyo naiilang na ako dahil maraming nakatingin sa amin kaya dapat siguro magpaalam na ako. "Sige ha, maiwan ko na kayo." tuluyan na akong nagpaalam sa kanila. Inihakbang ko na kaagad ang aking mga paa. Ilang hakbang pa lang ang nahahawa ko ng bigla kong narinig muli ang pagtawa ni Derick sa akin. Unti-unti akong napalingon sa kaniya. Nakangiti na naman itong nakatingin sa akin. "Uhm... If you have some free time, maybe I could ask you out sometime?" Napatingin kaagad ako sa paligid. Nagtaasan ang mga kilay ng mga babaeng nasa paligid namin. "Ask me out? Where?" "You know, just to hang out." Nginitian ko siya. "S-sige." napakamot ako bigla sa aking batok. Hindi ko na hinintay pa na magsalita ulit siya dahil tinalikuran ko na. Ayoko ng magtagal pa dito. Sa sama ng mga tingin ng babae sa akin pakiramdam ko lalapain na nila ako ng buhay. ------- Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto ay hindi ko na napigilan ang sarili. Napasigaw ako habang mabilis na isinara ang pinto. Kagat-labi akong napasandal dito, tsaka tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawang palad. "Ano ba 'to?" mahina kong saway sa sarili. Hindi ko mapigilan ang kilig. Ewan ko ba. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Ngayon lang ako nagkaroon ng crush at aminado akong... humahanga ako kay Derick. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang guwapo niyang mukha at ang paraan ng pakikipag-usap niya sa akin. Lalo tuloy akong napapangiti na parang baliw. Napatalon ako sa gulat nang may biglang kumatok sa pinto. "Senyorita? Ayos ka lang ba?" boses ni Manang Sasa ang narinig ko. Mabilis kong inayos ang sarili bago binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Manang Sasa. "Naku, hija, narinig ko ang sigaw mo. May nangyari ba?" Inayos ko ang buhok kong napatakip sa aking mukha. Inipit ko ito sa aking tainga bago nagsalita. "W-wala po, Manang." "Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo." Nahihiyang napakamot ako sa batok. "Wala naman po, Manang." "E bakit ka sumigaw?" Napakagat ulit ako sa labi bago ngumiti. "May... may nakilala po kasi ako sa school." Unti-unting napangiti si Manang Sasa. "Talaga? Sino naman 'yan?" "Isa po naming schoolmate." "Sa pananalita mo parang may pakiramdam akong lalaki 'yan." "Opo, Manang." "Gwapo ba?" Napatawa ako at tumango. "Opo." Pansin kong lalong naging interesado si Manang Sasa. "Mas gwapo ba kay Mr. Senator?" Bigla akong natigilan at napaisip. "Uhmm..." Napakamot ako sa ulo. "Gwapo naman si Ninong... pero medyo may edad na kasi siya. Si Derick... bata pa. Magkaedad lang kami." Napatawa si Manang Sasa. "Senyorita, hindi naman mukhang matanda si Mr. Senator. Kung tutuusin, batang-bata pa rin ang mukha ng ninong mo." Napaisip naman ako. "Sabagay..." "Derick pala ang pangalan ng crush mo." panunukso ni Manang. Napangiti ako. "Opo, Manang." "Hindi naman po masama ang humanga, 'di ba?" Sa tanang buhay ko, aral at bahay lang ang ginagawa ko simula bata hanggang umabot ako sa edad kong ito. Pero ngayon, nag-uumpisa na akong humanga sa isang lalaki. Ngumiti si Manang Sasa at marahang tumango. "Oo naman. Wala namang masama roon. Humahanga ka lang naman. Pero tandaan mo, huwag mong sosobrahan." "Bakit po?" "Dahil kapag sumobra, baka magalit ang Ninong mo. Nag-aaral ka pa. Sigurado akong pagbabawalan ka niyang magkaroon ng nobyo." Napanguso ako. "Lahat na lang kasi, binabawal ni Ninong." Napailing si Manang Sasa habang natatawa. "Ganiyan lang talaga si Mr. Senator para rin naman 'yon sa 'yo. Gusto niyang unahin mo ang pag-aaral mo." Tahimik akong napabuntong-hininga. Hindi ko naman balak magkaroon agad ng nobyo. Pero ang magkaroon ng simpleng crush, mukhang wala namang masama roon. "Senyorita, maiwan na kita." "Sige po, Manang." ---- Two days later... Hindi na naman umuuwi si Ninong. Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan niya pero bahala siya. Bakit ko ba pinoproblema 'yon? "Lorna.." napakurap ako ng marinig na may tumawag sa akin. Napatingin ako sa pinto. Ang isang kaklase ko. Palapit sa akin. "Ano 'yon?" "Pinabibigay." napaawang ang labi ko ng makitang bulaklak 'yon. "K-kanino galing?" Medyo lumapit pa siya sa akin. "Kay Derick." bulong niya. Bigla akong napangiti. "Ganoon ba. Pakisabi salamat." tinanggap ko ang bulaklak kaya naman ang mga kaklase ko nakatingin na lahat sa akin. Nagawa pa nga nila akong tuksuhin. "Uy! Lorna, nililigawan ka na ba ni Derick?" halos sabay-sabay nilang tanong. "Hindi." kaagad na sagot ko. "Eh, bakit may pa-flowers?" "Hindi ko alam. Baka trip lang niya akong bigyan." Hindi ko naman talaga alam kung nanliligaw na ba yung tao. "Ayos lang 'yan single naman si Derick. Kahit maraming nagkakagusto dun walang pinapatos. Ikaw lang binigyan nun ng bulaklak. Ay! Hindi pala. Yung last niyang binigyan ng bulaklak biglang naglaho." natawang sabi ng isa ko pang kaklase. "Ano ba kayo? Baka biglang matakot si Lorna. Hayaan niyo nga siya." saway naman ni Bernadette. Tumayo ito at humakbang palapit sa akin. "Lorna, gusto mo bang sumama mamaya? Mag-enjoy ka naman." Hindi kaagad ako nakasagot. Nandito na naman siya niyayaya ako. "Ano? Mag-enjoy ka naman sa buhay mo. Alam mo, yung mga gustong babae ni Derick yung sumasabay sa kaniyang trip. Kaya sumama ka na sa amin mamaya. For sure, mag-eenjoy ka." Ilang segundo kong tinitigan si Bernadette. Wala naman sigurong masama kung isang beses subukan ko rin ang buhay ng isang taga syudad. "S-sige, sasama ako mamaya." "Yon! Mas masaya! Mag-eenjoy ka mamaya promise!" nakangiting sabi ni Bernadette. Lumipas ang oras hanggang sa tuluyan nang matapos ang klase. Habang naglalakad kami palabas ng campus, biglang nagsalita si Bernadette. "Girls, tara na! Diretso na tayo sa bar." Nagtitinginan ang lahat bago sabay-sabay na tumango. "Game!" Napatingin silang lahat sa akin. "Ikaw, Lorna? Sasama ka ba?" Nag-alinlangan ako sandali. Hindi pa naman ako nakakapunta sa ganoong lugar. Pero naisip kong minsan lang naman at kasama ko rin sila. "S-sige..." "Yes!" masayang sabi ni Bernadette. Makalipas ang ilang minuto ay nasa loob na kami ng sasakyan. Masayang nagkukuwentuhan ang lahat habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig. Bigla akong nilingon ni Bernadette. "Lorna, may dala ka bang pamalit na damit?" Napailing ako. "Wala." Ngumiti siya. "No problem. Pahihiramin muna kita ng isa kong damit. Buti na lang dalawa ang nadala ko." May inilabas siyang paper bag at iniabot iyon sa akin. "Oh, ito. Sa'yo na muna 'yang isa." Binuksan ko iyon at halos lumaki ang mga mata ko. Isang maikling skirt ang tumambad sa akin kasama pa ang isang fitted tube top at blazer. Napangiwi ako. Mas maikli pa ito kaysa sa mga binibiling damit ni Ninong para sa akin. Napalunok ako bago tumingin kay Bernadette. "Kailangan ko ba talagang magpalit?" Napatawa siya. "Oo naman! Bar ang pupuntahan natin. Hindi ka makakapasok kung naka-school uniform ka noh!" "G-ganon ba?" Bigla tuloy akong kinabahan. Parang gusto ko na lang umatras. Napansin yata iyon ni Bernadette kaya agad niya akong tinapik sa balikat. "Bawal nang umatras, Lorna. Nandito ka na. Magbihis ka na diyan." Napailing ako. "Nahihiya ako." "Ano'ng ikinahihiya mo? Mga babae lang naman tayo rito. Walang mamboboso sa'yo." "P-puwede bang pagbaba na lang natin? Maghahanap na lang ako ng restroom tapos doon ako magpapalit." Sabay-sabay silang nagtawanan. "Naku, Lorna," natatawang sabi ng isa sa kanila. "Ang inosente mo naman." Napakamot na lang ako sa ulo habang nahihiyang ngumiti. "Sige na nga," nakatawang pagsang-ayon ni Bernadette. "Pagdating natin, sa restroom ka na lang magpalit." Nakahinga ako nang maluwag. "Salamat." Pagkababa namin ng sasakyan ay agad akong napatingin sa paligid. "Sandali lang. Maghahanap muna ako ng restroom para makapagpalit," paalam ko "Sige, doon sa loob. Kaliwa lang," sagot ni Bernadette. Nagmadali akong nagtungo sa restroom at isinuot ang hiniram niyang damit. Pagharap ko sa salamin ay napabuntong-hininga ako. Ang ikli talaga ng suot ko. Paulit-ulit kong hinihila pababa ang skirt, umaasang kahit papaano ay hahaba pa iyon. Paglabas ko ay nakita agad ako nina Bernadette. Napatawa si Bernadette. "Ano ba, Lorna? Kanina ka pa hila nang hila sa skirt mo." "Naiilang kasi ako." "Natural lang 'yan. Ganiyan talaga ang sinusuot kapag pumapasok sa bar." "H-halika na." Nauna nang maglakad si Bernadette kaya wala na akong nagawa kundi sumunod. Kaming dalawa na lang ang nasa labas dahil nauna nang pumasok ang iba naming kasama. Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami ng malakas na tugtog at makukulay na ilaw. Maya-maya ay kumaway ang isa naming kaklase mula sa isang mesa. Kaagad kaming lumapit at naupo. Puro babae lang naman kami kaya kahit paano ay naging kampante ako. Hindi nagtagal ay iniabot sa akin ni Bernadette ang isang baso. "Drink." Napailing ako. "H-hindi ako umiinom." "Isa lang, Lorna. Relax ka lang. Hindi ka malalasing diyan." "Ayoko talaga. Hindi ako sanay." "Isa lang naman." Dahil sa pangungulit niya ay napabuntong-hininga na lang ako. "Sige na nga." Pumikit ako bago tuluyang inubos ang laman ng baso. Pagkababa ko pa lang nito ay halos sumama na agad ang mukha ko sa lasa. "A-ang pait." Nagtawanan silang lahat. "Masasanay ka rin!" Napailing na lang ako. "E-excuse me... Magre-restroom lang muna ako." "Sasamahan na kita," alok ni Bernadette. Ngumiti ako at umiling. "Huwag na. Kaya ko na." "Sige. Diretsuhin mo lang tapos kanan." Tumayo ako at nagsimulang maglakad. Dahil hindi ko kabisado ang lugar, mukhang naligaw na yata amo. Nang may makita akong bahagyang nakabukas na pinto, nilapitan ko kaagad ito. Marahan kong itinulak ang pinto. Ngunit pagpasok ko. Natigilan ako. Hindi pala ito restroom. Isang pribadong lounge ang napasukan ko. Sa loob ay may lalaking komportableng nakaupo sa isang couch. Nakabukas ang ilang butones ng polo nito habang nasa kabilaan naman nito nakaupo ang dalawang babae na abala sa paghalik sa dibdib. Napalunok ako. Ano ba itong nakikita ko? Nang tuluyan kong makita ang mukha ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako puwedeng magkamali. "Ni... Ninong?" halos hindi makapaniwalang sambit ko. Si Ninong Senator pala ang lalaking 'yon. Bigla akong nakaramdam ng pagkainis. Kaya pala halos hindi na siya umuuwi. Dahil abala pala siya rito... kasama ang mga babaeng ito. Hindi ko namalayang nakakuyom na pala ang mga kamao ko habang nakatitig sa kaniya. Sa inis ko ay bumalik na lamang ako sa puwesto namin at umupo sa couch. Kaagad kong ininom ang alak na para sa akin. Nagulat sila sa ginawa ko. Paulit-ulit kong nakikita sa isip ko kung paano paligayahin ng dalawang babae si Ninong. Hindi ko na nga ramdam ang pait ng alak na iniinom ko. Inis na inis kasi ako. Hindi ko alam kung bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD