Chapter Twenty Two ELORDE “Bes, mukhang may gusto si Nurse Elysse kay Nurse Henyo. Feeling ko lang ha. Basta, di ko maexplain,” ani Shane. “Hindi lang ikaw bes dahil nafifeel ko rin. Juice colored. May balak pa talaga siyang agawin si Bebe Henyo. Nakakainis na siya,” “Well, hindi naman malabong magkagusto si Nurse Henyo sa kanya dahil sexy siya, maganda tapos mabait pa. Malay mo sila pala talaga ang magkatuluyan,” pang-aasar ni Shane. “Ano ba bes? Sa akin ka ba pabor o sa kabilang partido? Basta, hindi ako papayag na maging sila. Nararamdaman kong gusto ako ni Nurse Henyo,” “Paano mo nasabi? May basehan ka ba? Naku Elorde Ysabelle. Malakas nga talaga ang tama mo,” “Meron. Yung pagiging concern niya sa akin. Basta lahat lahat na yun,” “Okay fine. Sige na. Sa 'yo na ang boto ko. Bast