Chapter Forty MAKALIPAS ang walong buwan... HENYO “Maaa, yung bag po ng baby nailagay niyo na po ba sa sasakyan?” tanong ko kay Mama dahil natataranta na ako. Hindi ko na alam kung ano ang mga kukunin ko dahil kasalukuyan nang naglelabor ang asawa ko at itatakbo ko na siya sa ospital. Nalilito na rin ako kung ano pa ang mga dadalhin namin dahil nga sobra na akong kinakabahan. Pakiramdam ko ay ako ang manganganak. Hindi kasi ako ang kasama ng mama ni Niel nang ipanganak niya ito. Kaya unang beses ko ito. “Nandiyan na sa loob anak. Pati ang damit ni El. Pwede ba magrelax ka lang dahil nahihilo na rin ako aa 'yo. Natataranta na rin ako. Kumalma ka muna,” sagot naman niya. Hindi ko talaga amgawang kumalma dahil doble na ang bilis nang pagtibok ng aking puso. Hindi ko na rin kaya ang m