BEFORE sending back Nylah and Evron to the coffee shop, inaya ni Ashriel ang mag-ina na kumain muna. Kumain sila ng lunch sa isang kilalang restaurant malapit sa magiging school ni Evron. Tahimik lang si Nylah habang pinapakain si Evron ng mashed potato, habang si Ashriel ay nakasandal sa kinauupuan at pinapanood ang dalawa. As he watched them, something was stirring inside him. Para bang may kakaibang dulot na gimnhawa sa kaniya ang simpleng eksena na nasa kaniyang harapan. Isang tanawin na para bang gisto niyang masanay na makita araw-araw. I like Nylah, yes. But isn’t it that this was too much for me? Ashriel thought. Seeing them was already enough. Para bang buo na ang araw niya kapag nakikita niya ang dalawa. Pero bago pa man tuluyang matangay sa tahimik na sandali, isang babae

