Chapter 3
Her POV
Nakita ko syang tumapat sa room 1226, una lang ng ilang room ung kwarto nya sa kwarto namin. Nauna na kong pumasok sa kanya. Sana isang araw gawin din sakin ni Greg yon, ang yayain nya kong magpakasal napangiti ako sa naiisip ko. I hope his proposal will end up successfully muka kasing mahal na mahal nya talaga ang babaeng aalukin nya ng kasal pero diba ganun naman dapat talaga pag nagpakasal ka dapat sa taong mahal mo. Inalis ko na sa isipan ko ang nangyari kanina at dirediretso akong pumasok sa banyo para maligo at pagkatapos non nagbihis na ko at tinignan ang cellphone kong nabasa. I just hope that this blower will do some magic to bring back my cellphone alive dahil basing basa sya sa pagkakatalon ko sa pool kanina pero okay lang yon at least I help someone today. I also notice na wala pa din si Greg saan na kaya sya nagpunta?
Pagkatapos kong patuyuin ang cellphone ko sinubukan ko syang buksan pero bigo ako at wala na talaga syang pag-asa buti na lang may extra phone akong dala sa bag kaya agad kong inilipat ang sim card ko don para naman ma-contact ko si Greg. Inayos ko lang sandal ang sarili ko saka nagpasya na kong lumabas para hanapin si Greg dahil kanina ko pa sya hindi nakikita buhat ng nakarating kami dito. “Asan na kaya si Greg?” tanong ko sa sarili ko at sinimulan na syang hanapin dito sa lobby ng hotel pero hindi ko sya makita kaya sinubukan ko syang kontakin pero ayaw naman nyang sumagot sa mga tawag ko kaya laglag balikat akong nag lakad na lang sa may tabing dagat at doon naglakad lakad. Pinanood ko ang araw na unti unting lumulubog at napapalitan ng kadiliman ang paligid pero napakaganda pa din.
“Hey miss do you need a company?” may lalaking biglang lumapit sakin habang may dalang isang bote ng alak kay agad naman akong lumayo pero hinawakan nya ko sa braso “Hey I’m talking to you” he said at pilit nya kong nilalapit sa kanya.
“Let go of me please” pagpiglas ko sa kanya at pilit na tinatanggal ang magkakahawak nya sa braso ko, I even look around to ask for help pero wala akong makitang tao dahil masyado na kong malayo sa may hotel. “Let go of me! Help! Help!” sigaw ko baka sakaling mya tumulong sakin.
“Hey man she said to let her go!” Sabi ng isang tao sa likod ko.
“Who are you? Don’t distubrb us” the guy at pilit nya pa din akong hinihila pero pumipiglas ako “Let her go” sigaw ng lalaki saka biglang sinuntok ung lalaki na nakahawak sakin at bumagsak ito sa buhangin.
“Are you okay?” he ask and I nod “Good, come on let’s go” he said at hinila ako palayo sa lalaking nakabagsak na ngayon sa buhangin dahil sa suntok nya.
Inaaninag ko kung sino ung tumulong sakin at nang mamukaan ko sya agad akong nagpasalamat “Salamat sa tulong mo” sabi ko sa kanya at huminto na sya sa paglalakad at humarap sakin.
“Ginawa ko lang kung ano ang tama saka sa susunod wag ka kung saan saan pumupunta lalo na kung ikaw lang mag-isa.”
“Salamat pa din sa tulong mo”
“Are you alone?”
“Hindi” iling ko “kasama ko ung boyfriend ko pero hindi ko sya makita buhat pa kanina kaya naglakad lakad muna ko hindi ko naman na pansin na malayo na pala ko. Nga pala kamusta ung proposal mo I bet successful yon” nakangiting sabi ko sa kanya pero biglang nagbago ang ekpresyon ng muka nya sa sinabi ko. “May mali bas a sinabi ko?” tanong ko sa kanya pero umiling lang sya.
“She left me already to pursue her dream” malungkot na sabi nya “I’m sorry” hingi ko ng paumanhin sa kanya “Wala kang dapat ikahingi ng paumanhin dahil hindi naman ikaw ang umalis at iniwan ako”
“Kung hindi ko tinanong sayo hindi mo naman maalala diba?” kibit balikat na sabi ko sa kanya at umupo sa bumangin. “Madumi dyan” sabi nya pero hinila ko sya para maupo din “Hindi ka mamatay sa konting dumi lang” sabi ko sa kanya.
“Bakit hindi mo tawagan ang boyfriend mo para may kasama ka”
“Ginawa ko na pero hindi nya sinasagot ang tawag ko kanina pa kaya nga naglakad lakad ako dito, eh ikaw bakit hindi mo sya pinigilan umalis?”
“Matagal na nyang pangarap yon kaya kahit na ako ulit ang magsakripisyo ayos lang basta matupad nya ang pangarap nya” sabi nya pero ramdam ko ung lungkot sa boses nya nang sabihin nya yon. “Sobrang mahal mo talaga sya no”
“Oo, kaya kahit na ano pa man ang maging desisyon nya susuportahan ko sya kasi mahal ko sya” base sa boses nya malalaman mo talagang sincere sya sa mga sinasabi nya at kung gaano nya kamahal ang kasintahan nya.
“Bilib din ako sayo sa pagmamahal mo sa kanya, Ilang taon na ba kayong magkarelasyon?”
“Six years at sa anim na taon na yon kuntento na ko kahit pa laging career nya ang inuuna nya para sakin ganun ko sya kamahal”
“I sulate you for that” sabi ko saka tumayo na at nagpagpag ng sarili “Saan ka pupunta?” tanong nya saka tumayo na din.
“Babalik na sa hotel para hanapin ang boyfriend ko gabi na din kasi saka mag c-celebrate pa kami ng third year anniversary namin” sabi ko sa kanya at nag lakad na pabalik sa hotel.
“Teka lang” pigil nya sakin kaya nilingon ko sya “Bakit?”
“I’m Treyton Duke Montero and you are?” pagpapakilala nya sakin at inilahad nya ang kamay nya “I’m Samantha Vera Villareal, Nice to meet you” nakangiting sabi ko saka inabot ang kamay nya.
Ang tagal na namin magkausap pero ngayon lang namin nalaman ang pangalan ng isa’t-isa. Simula pa kanina noong tinulungan ko sya at ngayon naman na sya ang tumulong sakin. Para bang sinasadya ng tadhana na pagtagpuin kaming dalawa.
Sabay kaming bumalik sa hotel at naghiwalay para sa kanya kanya naming lakad. Kailangan ko pang hanapin si Greg at kung asaan na ba sya.
Sinubukan ko ulit syang tawagan pero hindi nya sinasagot ang tawag ko hanggang sa mamatay na ang phone ko dahil na lowbat. Mukang mag isa lang ako ngayon sa anniversary namin kahit na dapat magkasama kami.
Nag enjoy siguro masyado si Greg sa paglilibot at nalibang sa oras kaya hanggang ngayon ay wala pa sya pero andito pa din ang kaba ko na baka may nangyaring hindi maganda sa kanya. Nagpasya na lang akong bumalik sa kwarto namin dahil baka andon na sya.
Akmang pipindutin ko na sana ang button ng elevator ng may kamay na mauna sakin kaya tiningnan ko kung sino yon. “We meet again” sabi nya saka pumasok sa elevator kaya sumabay na ko sa kanya.
“Oo nga” nakangiting sabi ko sa kanya. “Saan ka pupunta ngayon?” he asks.
“Babalik na muna sa kwarto baka andon na ung boyfriend ko, Ikaw?”
“Same as you” sagot nya saka pinindot ang floor namin “Masyado sigurong nag enjoy ang boyfriend mo kaya hanggang ngayon wala but don’t get me wrong I’m just saying what I’ve notice since we met”
“Maybe your right pero kung ano man yang tumatakbo sa isipan mo na gagawin ng boyfriend ko please stop kasi hindi sya ganon” sabi ko sa kanya “If you say so” sabi nya saka lumabas ng elevator pagkabukas non sumunod naman ako at naglakad na papunta sa kwarto ko.
I was about to tap the card when I notoce that the door is open but I clearly remember before I left a while ago I close it. “Oh bakit di ka pa pumapasok?” he ask saka lumapit sakin “The door is open”
“Baka andyan na ung boyfriend mo” kibit balikat na sabi nya saka binuksan ang pinto kaya pumasok na ko at ganun din sya. “Why are you here?”
“Wala” sabi nya saka itinulak ako papasok hindi ko na lang sya pinansin at hinanap na lang si Greg.
“Greg” I call him pero kesa marinig ko ang sagot nya ang narinig ko ay mga hagikgikan kaya naman kumunot ang nook o at naglakad papunta sa kama at doon ko na kita ang hindi magandang tanawin.
“G-greg” tawag ko ng pansin sa kanya kaya naman agad syang lumingon sakin at nanlaki ang mata at dali daling tumayo at tinakpan ang sarili ganun din ang babaeng kasama nya sa higaan. “I can explain Sam” he said and try to get close to me pero umiwas ako. “Sam she seduces me!”
Hindi ako makapagsalita sa mga nangyayari. For the three years of our relationship talagang ganito pa ang isusukli nya sakin?
“She seduces you? Ha? For three years Greg talagang eto pa ang isusukli mo sakin ha? Eto pa?”
“Sam listen okay, wala lang to she just enter this room by a mistake tapos bigla nya kong nilapitan” sabi nya at hinawakan ako sa kamay.
“Then you ended up in bed? What a lame reason!” biglang singit ni Treyton. “Wag kang makielam dito, sino ka ba?” inis na sabi ni Greg saka tinulak si Treyton.
“It is very clear that you are cheating on your girlfriend kaya wag ka nang mag deny kasi huli ka na sa akto pwede ba!”
Bumaling sakin si Greg at dinuro ako “Sino ba tong lalaki na to ha? Kung makaasta akala mo kung sino”
“Greg pwede ba huling huli ka na” sabi ko sa kanya “Ah lumalaban ka na dahil dyan sa lalaki na yan ha! In the first place hindi naman mangyayari to kung binigay mon al ang sana ang gusto ko noon pa lang pero pakipot ka masyado alam mo yon! Akala mo naman ganun ka kaganda eh manang ka”
“Eh tarantado ka pala” nagulat ako ng biglang sinuntok ni Treyton si Greg at bumagsak to sa sahig. “You should respect your girlfriend at kung mahal mo talaga sya hindi mo sya pipilitin sa bagay na ayaw nya! Hindi excuse ung pag nangati ka hahanap ka ng iba dahil lang hindi nya maibigay ang gusto mo! Kung nangangati ka edi kamutin mo hindi ung may girlfriend ka lolokohin mo” galit na sabi ni Treyton saka ako hinila palabas ng kwarto at dinala sa kwarto nya.
“Cry” he said at doon na nga bumuhos ang luha ko. For three years ginawa ko ang lahat para sa kanya pero lolokohin nya lang ako dahil hindi ko maibigay ang gusto nya? Akala ko iba sya pero ginago nya lang ako! Muntik ko pang isuko ang p********e ko sa kanya dahil akala ko sya na pero lolokohin nya lang pala ko.
“Ang tanga tanga ko!” umiiyak na sabi ko “Here” tiningnan ko si Treyton saka tinanggap ang panyo nya at doon umiyak.
“Just cry” he said at niyakap ako. Umiyak lang ako ng umiyak sa balikat nya. Andito ko ngayon sa tabi ng isang tao na ngayon ko pa lang nakilala pero nararamdaman ko na ligtas ako sa kanya at wala syang gagawin saking masama.