Chapter 88 Her POV Nakatulala lang ako as laptop ko habang binabasa ang email na isinend sakin ni Erika tungkol sa proseso ng annulment namin ni Treyton, simula noong ibinigay sakin ni Treyton ang annulment paper namin at nang pinirmahan ko ay agad ko yon ibinigay kay Erika at sya na ang umasikaso. Ilang araw na din kaming hindi nagkikitang dalawa ni Treyton simula non kahit na nagsisimula na ko sa trabaho ko sa hotel at sa kompanya, puro si Alex at si Zico lang ang nakakausap ko at hindi ko magawang magtanong sa kanila kung asaan at kamusta na si Treyton. “Tulala ka na naman dyan” sabi ni Giselle at inabutan ako ng kape pero agad kong inilayo yon sakin “Ayokong magkape” sabi ko sa kanya na ikinakunot ng noo nya “Ayaw mo pero bakit pinabili mo?” tanong nya sakin “Hindi ko na gusto” sabi