Chapter 55 His POV Naghanap agad ako ng pinakamabilis na flight pauwi sa Pilipinas para umuwi at malaman ang kalagayan ng mag ina ko, kung alam ko lang na may mangyayaring ganito sana hindi na lang ako umalis. Hindi ako mapakali sa buong byahe dahil kinakabahan ako sa lagay nilang dalawa kaya naman ng mag landing ang eroplanong at nakabalik na ko sa Pilipinas agad kong tinawagan si Alex “Treyton asan ka na?” tanong nya sakin. “Asa airport na ko inintay ang luggage ko, I need you to pick me up as soon as possible!” sabi ko sa kanya at pinatay ang tawag. Ang dami ko pang inasikaso sa airport bago tuluyan makalabas at ang sinalubong naman ako ni Alex ng makita nya ko. “Anong lagay ni Samantha at ng bata?” tanong ko sa kanya at sumakay sa kotse nya. “Asa ospital pa din sila at buti na lang