Chapter 32 Her POV “AKO ANG AMA NG DINADALANG BATA NI SAMANTHA!” matapang na sabi nya na ikinalaki ng mata ko at nagpasinghap sa mga kasama namin dito. “Treyton bawiin mo ang sinabi mo!” sabi ko sa kanya pero umiling sya. “Ako po ang ama ng batang dinadala ng an---” hindi natapos ni Treyton ang sinasabi nya ng bigla syang suntikin ni papa na nagpatili sakin. “Treyton!” sigaw ko at agad syang dinaluhan sa lapag at dahan dahan na itinayo, lumapit naman sa amin si Alex at tinulungan akong itayo si Treyton. “Ikaw ang walang hiyang lumapastangan sa anak ko!” galit na sabi ni papa at hindi pa sya nakuntento sa suntok nya kanina dahil sinuntok nya pa ulit si Treyton na agad naman nasapo ni Alex kaya hindi na sya sumubsob sa lupa pero nag dudugo na ang gilid ng labi nya, “Papa tama na po! Maawa