Chapter 57 Her POV Sa nalalapit na karaawan ni Treyton alam kong uuwi si Annabeth tulad ng sinabi nya kaya naman paniguradong mawawala sya ng araw na yon kahit na kaarawan ko din yon, hindi ko alam kung alam ba nya na parehas kami ng birthday dahil hindi naman ako nag oopen up sa kanya ng tungkol sa bagay na yon pero kahit na ganon na alam kong may posibilidad na si Annabeth ang unahin nya hindi ko pa din ipagsasawalang bahala na birthday nya yon. “Ang lalim ata ng iniisip mo Samantha, kanina ka pa dyan nakatayo at nakatingin sa malayo.” Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Abuela na nakatayo na pala sa harap pero hindi ko man lang napansin dahil sa lalim ng iniisip ko. “May naalala lang po ako Abuela, itutuloy na po ba natin ang ginagawa natin kahapon?” tanong ko sa kanya at kum