Chapter 92 Her POV Naging maayos ang lahat samin ni Treyton at nitong nagdaan na linggo gumising na din si Clyde at nakalabas na sya a ospital kaya naman si Cloe asa poder na nya at ang sayang pagmasdan ng dalawa dahil sa wakas nagkasama na sila pagkatapos ng mga nangyari at kami naman ni Treyton sinisimulan buiin ang pamilya namin ng wala ng agreement at hindi na sapilitan kung hindi dahil mahal namin ang isa’t isa. “Are you sure you want to see her?” tanong nya sakin at tumango ako sa kanya, asa kulungan kami ngayon para dalawin si Annabeth, gusto kong humingi ng sorry sa kanya sa mga nangyari kahit na madami syang ginawa samin ni Treyton gusto ko pa din na humingi ng sorry sa kanya dahil sa mga nangyari, hindi naman kasi magiging ganito ang lahat kung walang nangyari samin ni Treyton.