Chapter 39 Her POV Mabilis lang nag daan ang araw kahapon at ngayon na nga ang araw ng kasal naming ni Treyton, wala akong balak na bumangon sa higaan ko ngayon o lumabas man lang ng kwarto ko. Hindi ko alam pero walang kasigla sigla ang araw ko ngayon. Napaupo ako ng may biglang kumatok kaya naman nakaramdam ako ng hilo dahil sa bigla kong pag upo. “Samantha!” tawag ni ate “Bukas yan ate.” Sabi ko kaya naman pumasok sya at lumapit sakin. “Okay ka lang?” tanong nya kaya tumango ako “Medyo na hilo lang pero ayos naman ako.” Sabi ko sa kanya, hinawakan nya ko sa kamay “Ikakasal ka na ngayon sana maging masaya ka at alagaan mo ang asawa at yang bata sa sinapupunan mo.” Sabi nya at niyakap ako, naramdaman ko din na may tulong luha sa balikat ko. “Ate wag kang umiyak, magpapakasal lang ako a