Chapter 64 His POV Nang magsimula ang fireworks display, eto na din ang naging hudyat ko para iparamdam kay Samantha ang nararamdaman ko para sa kanya, hindi ko sukat akalain na sya ang babaeng magbibigay sakin ng relong suot ko ngayon. Noong bata ako sabi ko sa sarili ko na kung sino man ang babaeng mag susuot sakin ng relo na katulad ng relo ng papa ko sya ang babaeng papakasalan ko at eto na sya sa harapan ko ngayon, she is already my wife. “Happy birthday to the two of us” sabi ko sa kanya at hinapit sya palapit sakin at hinalikan sa labi, akala ko itutulak nya ko pero tinungon nya ang halik ko sa kanya kaya naman napangiti na lang ako at dinama ang labi nya sa labi ko. Alam kong sa mga oras na ko unti unti ko ng tinatanggap sa buhay ko at sa puso ko si Samantha, sya na ang priority