HE didn't mentioned about that meeting again. Siguro nabaduyan din siya sa sarili niya na tinatanong pa niya ako ng ganon na akala mo may ginagawa akong kababalaghan sa Nobu hotel. Since I am still full at kumain na rin si Charles. Hindi na ako nagluto ng hapunan. If this continues, my palms will be back to normal. Smooth and soft. Ngayon, nakakadagdag ng stress ko 'yong pagiging magaspang ng kamay ko at kuko kong pumapangit kapag naghuhugas ako ng plato. If it weren't for the deal, I wouldn't do this. Charles knocked on the door when I was drying my hair. Bumukas din naman ang pinto at pumasok siya. "Yes?" tanong ko at pinatay ang blower para harapin siya. Wala na naman siyang suot na pang-itaas na damit. Mukhang bagong ligo din dahil basa ang buhok at maaliwalas ang mukha. Pagpasok p