KUMALABOG ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Mabilis akong tumalikod. It was my instinct to turn away when I shouldn't. Hindi ba ito ang gusto ko. Kaya nga sinusundan ko siya para magpapansin. Para makuha ang atensyon niya. But why the hell is he here? "Oh, why?" tanong ni Yassy dahil mabilis akong tumalikod. Nagpanggap akong nawawala ang purse ko. Kinapa ko pa ang sarili ko sabay natawa dahil kunwaring hindi ko naalalang hawak ko pala. "I thought I left this." Napailing ako. Nagtawanan ang mga kasamahan ko pagsampa sa platform. "Si Charles ba 'yon?" One of my friends asked. Napilitan akong humarap at nakita kong katatapos lang niyang makipag-usap sa isang staff. He was wearing a white polo na bukas ang unang tatlong butones nito dahilan para sumilay ang balahibo nito sa dibdib.