NAGSUSUKA ako sa loob ng banyo. Parang lahat ng kinain ko nilabas ko na maski laway ko. Nanlalambot ang aking tuhod at sumama ang pakiramdam ko. Nanghihina akong naghilamos at nag-toothbrush dahil naaamoy ko 'yong asim ng aking hininga. "Ate? Are you okay? Take some meds! Baka nalipasan ka na ng gutom!" sabi ni Nicole sa labas ng aking pinto ng banyo. Huminga ako ng malalim at nagpunas ng mukha. Pinagmasdan ko ang aking mukha na putlang-putla at dry na rin ang aking labi. Humpak ang aking pisngi. Isang linggo pa lang ang nakakalipas. Sa susunod na linggo na rin ang alis namin. Pina-finalize pa lahat ng kailangan asikasuhin. I have never been so self-neglected in my whole life. I always wanna make sure I look good. Kahit walang ibang tao, gusto kong maayos ako. Masyado akong self-conscio