KABANATA 3

1156 Words
KABANATA 3: I kept tapping my fingers on my Prada bag. I was still sitting pretty inside my Mercedes car. Panay ang tingin ko sa labas ng office building ni Charles Han. It’s Friday and of course nasa opisina siya sa Makati. Hindi ako pumasok para lang pumunta dito. I’ve been contemplating myself for two days whether I’ll do it or not. I needed to do this, but my head would tell me to back out. Hindi na p’wede dahil nagamit ko na ang pera na pinahiram ni Don Matias. I have to keep my promise and my pride in me says I’m not backing down. Tumuloy na ako sa una kong plano na personal ko ng gagawin ang pang-i-stalk sa kanya. I hired someone to do that for me and after I got the details like kung saan ba siya palagi. I decided to start my plan and see myself how Charles Han spent his day or week. “Maam, hahanapin ka na po ni Madam nito. Sabi niya kasi umuwi ka ng maaga para masaglitan—” Napapikit ako at tinaas ang kamay para pahintuin sa pagsasalita si Yaya. “Give me five minutes, Yaya.” Marahan akong dumilat at sumilip ulit sa labas. Hindi ko na nga sinabi sa driver na pumasok kami sa parking kasi for sure na ban ang pamilya namin sa building nila. Wala rin akong planong pumasok talaga sa loob. Kahit na nga ang magpa-set ng appointment sa secretary niya. Alam kong hindi din naman ako pagbibigyan. “Kanina pa kasi tayo dito, Maam. Hindi naman yata lalabas si Sir diyan o baka hindi ko na napansin ‘yong plate number. Naka alis na pala?” Naitikom ko ang bibig at huminga ng malalim sa sinabi ni Yaya Erlinda. “Hindi pa siya nakakalabas. Just don’t tell Mom about this—” Namilog ang mga mata ko nang lumabas na ang sports car ni Charles! “Kuya! Ayan na! Follow that car na!” Tili ko at tinuro ‘yong itim na sasakyan ni Charles na kalalabas lang sa parking. Agad itong tumalima. Umayos ako ng upo habang sinusundan na namin si Charles. “Huwag masyadong halata. Let one or two cars in front. Just keep distance.” “Yes, Maam.” I glance at my Philip Stein wrist watch. It’s six in the evening for Pete’s sake! Ano ba itong lalaking ‘to! Four pm ang uwian niya pero lalabas ng six. Napaka-workaholic. Iba ako sa kanya na kapag pumatak ang oras ng uwian naka-pack up na ako. Ready to go. I don’t extend my time. Kahit na ba may meeting o ano. Tinatapos ko agad before five pm. “Anong gagawin niya diyan?” I murmured when I saw his car went inside the hotel. “Susundan po ba sa loob, Maam?” tanong ng driver. “Yes, Kuya.” He’s in The Peninsula Manila. Baka may kikitain after work. Ganoon rin naman ako. Minsan pupunta para lang kumain din. Bumaba si Charles Han sa sasakyan. He was driving his car alone. Walang alipores n kasama. Even his secretary na palaging buntot niya. Hindi present ngayon. Sabi sa akin ng private detective ay lumalabas talaga si Charles na walang mga kasamang bantay o kahit na driver lalo na kapag kasama ang barkada. So, that means. Makikipagkita siya sa mga kaibigan niya? “Yaya, diyan ka na lang!” Natataranta kong sabi habang binubuksan na ang pinto ng sasakyan. Mapilt si Mommy na ipasama si Yaya Erlinda para sa groceries bago sana bisitahin si Daddy sa hospital. Kaya lang umiba muna ako ng daan. Nagmamadali akong naglakad papasok sa loob. Panay ang lingon ko dahil hindi ko na siya makita! Maraming tao sa reception area at wala rin siya doon. Lumiko ako habang itinataas sa aking ulo ang suot na shades. Kahit na nagmamadali, I would still walk with grace and elegance. Some foreigners would glance at me. Ganoon palagi kapag napapadaan ako sa mga tao. I am used to it. I can’t help them not to admire me. Talagang agaw pansin ako dahil sa itsura at tindig ko. “Where the hell is he? Ang bilis naman maglakad no’n!” yamot kong bulong sa sarili habang mahigpit na hawak ang strap ng aking Prada Marble Flab bag. Ang lalaki kasi ng biyas tapos black shoes lang suot kaya ang bilis maglakad. Napahinto ako saglit ng manlaki ang mga mata at nakita ko siya nakahinto sa buffet restaurant ng hotel kasama na ang isang foreigner na babae. Mabilis akong nagsuot ng shades. Charles Han is freaking tall with six foot in height. Matangkad na ko sa 5’6 para sa tulad kong babae pero syempre manliliit ako sa tangkad niya. Humagikgik ang babae na kausap niya at kitang-kita ko ‘yong glow ng mukha habang kausap ang CEO ng Supermall sa bansa. Minuwestra ni Charles ang upuan. He is gentleman enough to assist that blonde. Unang tingin, alam ko nang hindi business meeting. That woman is wearing her best dress for tonight’s dinner. Black body con dress na kitang-kita ang pisngi ng dibdib. She is clearly seducing him. “Good evening, Maam! Welcome to Escolta International Buffet! Do you have any reservations?” asked the receptionist. Umiling ako. Pero dahil nakita ko si Charles sa loob ay nagpasya akong kakain na rin sa loob. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanila kahit na inaabot ko ang card sa receptionist. Nanliit ang mga mata ko habang pinagmamasdan sila partikular na kay Charles. Maputi siya. Matipuno ang kanyang katawan. Kahit na nakaupo lang siya doon at kausap ‘yong babae. Agaw pansin ang tulad niya. Halatang mabango kahit sa tingin pa lang. Naghuhumiyaw ng kakisigan at kapangyarihan. He wasn’t smiling. It’s like he’s here for a business meeting kahit na hindi pero iyong babae ang panay ang tawa at ngiti sa bawat sinasabi ni Charles sa kanya. Ano bang nakakatawa sa sinasabi? “Excuse me, Ms. Smith, but I think there is a problem with your card.” Naputol ako sa pag-iisip at napatingin sa hotel staff. Kumunot ang noo ko at kumalabog ang dibdib. “What? Try it again. Baka sira ang terminal niyo,” I said with confidence. Pero ang totoo kinakabahan ako. “I did, Maam. Thrice na po and it’s still not working. Do you have any cards with you?” she asked politely. Ngumiti siya sa ibang bagong dating na guest. “Uh, yeah!” sagot ko at nagmamadali na sa pagkuha ng wallet. Hindi maawat ang kaba ko dahil sa kahihiyan. Inabot ko sa kanya ang isa pang card. Na-max out ko ba ‘yon? Hindi ko na matandaan anong card ang na-max out ko this month. Taas ang noo pa rin kahit na napapasulyap na sa akin ang ibang guest ng hotel. Ngumiti sa akin ang receptionist nang inabot na ang resibo. Doon lang ako nakahinga ng maluwag dahil gumana ang card ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD