NAGMAMADALI ako sa paglalakad at alam kong nakasunod siya sa akin kahit medyo malayo ang distansya niya sa akin. Hindi ko makuhang ngumiti at lingunin siya dahil mainit ang ulo kong talaga. I know he can't touch me because someone might watching us. Tapos kami na ang pinag-uusapan sa social media. Lalabas ang balita tungkol sa away ng pamilya. Pinatunog ko ang sasakyan at binuksan ang pinto. Sinikap kong hindi bumaling talaga sa kanya matapos na sumakay sa loob ng sasakyan. Tikom na tikom ang bibig ko habang nagmamaneho. Napasulyap ako sa side mirror at nakita ko na ngang nakasunod siya sa akin. I'm f*****g going home. Hindi sa penthouse niya kundi sa akin. Magtapos niyang magsinungaling sa akin? I hate cheaters. I hate liars. Hindi ba 'yan ang rason bakit hiniwalayan ko 'yong ex ko n