I didn’t eat that night. Nag-fasting talaga ako kaya pagdating sa umaga gutom na gutom ako. Nauna na akong kumain sa kanya bago pa sana maligo kaso naabutan niya ako. Nagulat pa siya kasi never naman kami nagsabay mag-almusal. “I’m sorry, I didn’t eat last night. Nauna na ko. Anyway, I’m done,” sabi ko at tumayo na matapos uminom ng tubig. Natural na nga yata sa akin ang makipag-usap sa kanya ng ganito. As if we're like friends since then. Ibang-iba sa kung paano kami mag-usap noon. Wala pang salita ramdam mo na agad ang iritasyon sa isa't-isa. He didn't say a word. Sa hapi, pinanuod lang niya ang bawat galaw ko kaya medyo na-conscious ako. Kailangan bang gawin niya iyan sa harap ko? "Bakit na naman?" tanong ko habang nakapameywang na humarap sa kanya. Umiling lang siya at hinila na