Chapter 29 "Candy. You can go home now." Nick said with full of authority in his voice. Nandito na kami sa bahay niya. Kaagad kaming umuwi kinaumagahan ng pagkikita namin ni Leeia dahil may emergency daw sa company nila Nick. "Pero sir. Tutal Thursday na po ngayon, dito nalang po ako. Marami pong gawain at baka po mahi-" "I SAID GO HOME!" Biglang sigaw ni Nick kay Candy kaya naman halos mapatalon siya sa gulat. Maski ako at si Zharn nagulat din. Mabuti nalang at napatingin lang ang anak ko at hindi tuluyang umiyak nang yakapin ko na siya. Agad akong lumapit kay Candy at saka hinila ng bahagya palayo kay Nick. Nakayuko lang siya kaya naman iniangat ko ang mukha niya gamit ang isa kong kamay. Nanggigilid na ang mga luha niya. "Shhh. Candy it's okay. Ayos lang ako