Throwback part 3 Nakatulala ako habang nakatunghay sa dalawang mamahaling jar sa aming harapan. Pribado at limitado ang nakakapunta dito sa mansyon nila Leon. Kadalasan sa nakikita ko ay mga altang Mafia, mga parte ng organisasyon na binuo ng ama nila Leon at pinagpatuloy nila ngayon. May mga kaedad ni Leon akong nakita na masama ang tingin sa akin. I know, alam nila ang buong nangyari. Hindi lumabas sa media o diyaryo ang pagkamatay ni Romina at Mariano Monasterio. Hindi ko nakita si Leon mula pa kahapon. Pagkatapos ng nangyari sumailalim ako sa isang check up at pagkatapos dito na ako dinala ni Leon. Mas naging busy siya. Natatakot akong magtanong at magsalita kaya nanatili akong tahimik sa tuwing magkasama kami. Mas lalo akong nakaramdam ng takot sa kanya. Hindi na siya nguming

