James Felix Natulala na lamang sa pagkain na nasa aking harap. I don't know what to say anymore. I've been speechless for almost an hour! Ngayon lang ako nakaranas ng aktwal na putukan. Kung noon ay sa telebisyon ko lang iyon napapanood ngayon nararanasan ko na mismo! "Kung meron pa kayong ipag-uutos madam just push the red button, okay?" Magiliw na sabi sa akin ng isang babae. Nandito kami ngayon sa hide out na tinutukoy ni Leon. Bago kami pumasok kanina ay marami akong nakitang mga nag eensayo ng karate,muay thai at iba pa. I even saw a different kinds of guns! Umiling ako at ngumiti. "Puwede mo nalang bang ituro sa akin iyong CR dito?" I asked. Gusto ko munang magbawas habang hinihintay si Leon. May importanteng bagay silang pinag usapan ni Marco ang kaibigan niya

