Chapter 12 Warning Parang may nakadagan na mabigat na bagay sa aking dibdib, maging sa aking pagkatao. Parang nabibitin ako sa ere. ‘Yung panaginip ko at ang mga nangyayari parang nasa ere at hindi ko maapuhap kung ano ito. Nagising akong mag-isa. Ilang sandali ako nakatunganga at iniisip ang mga unang gagawin. Nagiging bahay tao pa ako ngayon lalo na't hindi ako sanay sa ganito. Malambot na kutson, marmol na sahig at may aircon. Malaki rin ang kanilang bathroom. Ibang-iba sa nakasanayan ko. Nang maisip ko ang bathroom naexcite ako bigla. Kagat kagat labi kong binuksan ang aparador at pumili nang mga damit. Pikit mata ko itong kinuha.Ayaw kong tingnan ang mga presyo nito. Alam ko kasing mamahalin kahit simpleng t shirts lang ito. Papasok na sana ako sa banyo nang may kumatok sa p

