PAGPASOK ko sa school kinaumagahan, naging instant celebrity ako. May mga banners, may pa-gumamela at santan pa ang mga lalakeng estudyante na nag-aabang sa pagdating ko. "Congrats, Georgina!" "Napakagaling mo kagabi!" "Oo nga, ang ganda pa ng sagot. Pang-Miss Universe." "Ang ganda-ganda mo, Georgina!" "Kaya nga, ang sexy pa kamo." "Salamat." Hindi talaga ako bagay na maging public figure. Kapag ganitong sitwasyon, I really feel awkward. "Thank you sa inyong lahat, huh!" Kumaway ako at nagpatuloy na sa paglalakad. "Siya, kung may ibibigay kayo, mamayang lunch break na. Hindi siya artista, si Georgina lang iyan..." sabi ni Brad. Madami pang sinasabi ang iba pero hindi ko na gaanong pinansin, dahil fifteen minutes na lang mag-uumpisa na ang first subject ko. Nasa classroom na