"Ano'ng itsura niya?" tanong ko kay Brad habang nagbo-blower ako ng buhok. Tinignan ko siya nang hindi siya sumagot. Mukhang nakatulog na yata. "Ano'ng sabi ng Daddy mo?" "Hoy, bakla!" Bumuntong hininga siya. "Para ka namang pinagsakluban ng langit at lupa, e." "Mamasyal na lang tayo. Total hindi ka naman papasok, mamasyal na lang tayo. Who knows, baka hindi na natin 'to magagawa sa mga sunod na araw. You'll be busy with your love life." "Hindi naman. I'll always have time for you. Ikaw nga 'tong walang paramdam ng ilang araw. Naki-contest ka kay Leo sa pagtiis sa akin." "Busy lang. Saka— Bumuntong hininga ulit siya. "Nalilito ka ba kung bakla ka pa talaga? Gago ka, tumitigas pala iyang ano mo." Humalakhak kaming dalawa. Nakakapanibago siya. Pakiramdam ko may nagnagbago talaga