THE next day, I decided to ignore Leo again. Magdamag ko itong pinag-isipan. Hindi ako nakatulog dahil sa kaniya.
Napagpasyahan ko na gawin ang tama. Ang makabubuti para sa amin. At iyon ay tuluyan na siyang huwag pansinin.
Ayaw kong malagay sa alanganin. I can't take a risk lalo na kung puso ang pag-uusapan.
I'm still young. I'm just fifteen. And if ever I'll give him or us a chance. Saan kami dadalhin ng pag-iibigan namin?
Kaya ba naming ipaglaban ang isa't isa? Are we capable? We're just fifteen. Minor. Umaasa pa kami sa aming mga magulang.
It's not the right time for this. Dapat mag-focus na lang kami pareho sa aming pag-aaral.
Kung after six to eight years at gusto pa niya ako, malay natin... that time puwede na kami.
NA-LATE ako ng gising. Kaya sa halip na mauna na si Mommy na umalis. Pinuntahan niya ako sa aking room upang i-check.
"Are you sick, hija?" she asked worriedly.
"I'm fine, mommy. Masakit lang ang ulo ko kagabi, kaya napuyat ako." I don't know if she'd buy my alibi.
"Huwag ka ng pumasok kung hindi mo kaya. Should I call our family doctor to check on you?"
"No need, Mom. Papasok po ako ngayon."
Ngumiti ako. Ayos lang naman talaga ako.
HINATID ako ng driver. Na-late ako ng dalawang minuto sa klase. Sinadya ko ito para wala ng oras para makipag-interact kay Leo.
"Good morning, Ma'am. Sorry for being late."
Sinenyas ng guro na maupo na ako. Nakatuon ang atensyon ng lahat sa akin. Lalong-lalo na ang aking kaibigan at si Leo. I didn't make any eye to eye contact with them. Like what I've planned.
Naupo ako sa likod dahil nakaupo si Leo sa dati kong upuan.
Habang nag-di-discuss ang guro, nakatuon ang aking atensyon sa kaniya. Kahit pa pansin ko ang panay na pagsulyap sa akin ni Leo.
Here we are again.
Sinenyasan ako ng kaklase ko na nakaupo sa aking unahan. Inabot niya sa akin ang nakalukot na papel.
"Are you okay?" Ito ang nakasulat sa papel. Sulat ito ni Leo.
I didn't write back. I didn't even look at him. I didn't want to show any interest. It's for the better.
PAGKATAPOS ng unang subject, Leo tried to come near me. Pero maaga ang teacher namin sa next subject, kaya hindi siya nagkaroon ng tyansa.
Sinitsitan ako ni Brad pero saglit ko lang siyang sinulyapan, dahil katabi niya si Leo.
And then lunch break came.
NAGMAMADALI akong tumayo at lumabas ng klase. Tinatawag ako nina Leo at Brad pero hindi ko sila pinansin.
Naglakad ako hanggang sa may gate, kung saan naghihintay ang driver. Kakain ako ng lunch kasabay ni Kuya. Malapit lang dito ang restaurant na kinakainan niya.
"Magkagalit ba kayo ni Brad?" nag-aalalang tanong ni Kuya, habang hinihintay naming i-serve ang aming order.
"No, kuya. We're fine."
"Ano ang problema kung ganoon?"
Ngumuso ako. "Wala..."
"Come on, Georgina. Kilala kita..."
"I'm just avoiding someone at school."
"Oh." Tumango siya.
"You got a suitor?"
"Yes." And he's a Cervantes, isip-isip ko.
"If you don't want him, tell him."
"Ginawa ko na. But he's persistent." Tumawa si Kuya.
"Dalaga na ang kapatid ko." Ginulo niya ang aking buhok.
"Kuya..."
"Sabihin mo na hindi mo siya gusto. That you really mean it. Maybe you're giving him signal. Like false hope so he won't stop. Unless, patay na patay siya sa'yo."
"Ang daming babae diyan..." bulong ko.
"Well, dear sister. You can't choose who to love."
I sighed. "Nasubukan mo na bang magkagusto ng babae na hindi ka magustuhan? Or gusto mo pero hindi mo puwedeng gustuhin?"
"What?" Nagsalubong ang kaniyang kilay.
"Wala, Kuya. Don't mind me..."
"Kung hindi pa din titigil ang manliligaw mo at maaapektuhan na ang pag-aaral mo dahil sa ginagawa niya. Tell me."
"Ano'ng gagawin mo, Kuya?"
"I'll talk to him..." Napailing ako.
"Ako na ang bahala doon. Sasabihin ko mamaya na hindi ko siya gusto kaya tumigil na siya."
"Hindi mo ba talaga siya gusto?" Kunot noong tanong ni Kuya. Mapagduda ang kaniyang mata na nakatingin sa akin.
"Hindi nga..." He smirked but didn't say anything.
HINATID niya ako sa school after naming mag-lunch. One minute before my first subject, I arrived at our classroom.
Nakasimangot si Brad nang makita ako. Si Leo naman ay taimtim na nakatingin sa akin.
Ngayon lang sumagi sa aking isipan na partner pala kami ni Leo sa huling teacher namin ng hapon.
Ano kaya ang gagawin ko para mapalitan ang kapareha ko? I'm not comfortable around him.
MAPEH ang second subject namin. May binigay siyang activity sa amin. Kailangan naming gumawa ng skit, na ipe-perform namin next week. Grinupo niya ang buong klase sa tatlo.
Sa kamalas-malasan. Naging kagrupo ko pa si Leo.
Tahimik ako habang nagpapalitan ng ideas ang mga kasama ko. Lahat sila magaganda ang ideas. Even Leo is participating.
Ako ang nagsulat ng pinag-uusapan nila. Madaming ideas kaya napagkasunduan namin na gawin ang lahat.
Dahil may oras pa kami, nagkukuwentuhan na lang ang iba. Tinabihan naman ako ni Leo.
"What's wrong?" bulong niya.
Pinaglaruan ko ang aking ballpen. Nasa klase kami kaya pinigilan ko muna ang aking sarili na magsalita.
It's not the right time or place to break it to him.
Lumapit sa akin si Brad.
"Ano'ng nangyayari sa'yo? Bakit hindi mo kami pinapansin?" Nagkatinginan kami. He's my bestfriend. He know me well. Nang mabasa niya ang gusto kong ipahiwatig sa kaniya. He keep quiet.
"Mag-usap tayo mamayang uwian," sabi niya.
Sa panghuling klase. Binigyan kami ng teacher ng activity, sa halip na pauwiin kami, dahil may meeting silang mga faculty.
Kailangan naming mag-research kaya nagpunta kami sa library. Tahimik lang si Leo na nakasunod sa akin.
Kumuha kami ng mga kailangan naming mga libro. Walang nagsasalita. Nagpapakiramdaman kami.
Hindi din naman siya nangulit. And I appreciate it. Alam niya kung paano lumugar.
"What do you think?" tanong ko pagkatapos kong i-finalize ang mga nagawa namin. Binasa niya ang mga sinulat ko.
He added some ideas. He's smart. Guwapo, matangkad, he got a lean body, mabait... But, he is a Cervantes. I can't like him.
"Why are you avoiding me again?" tanong niya nang matapos na ang oras.
Huminga ako nang malalim upang bumuwelo.
"Kasi iyon ang dapat, Leo..."
Nagsukatan kami ng tingin.
Frustrated siyang tumingin sa akin. He looks confused, mad and sad.
"I'm sorry, Leo. But you really need to stop pursuing me, if you are. Stop liking me."
"George..."
I didn't give him a chance to talk. I didn't want to hear anything he's going to say.
Kasi kung ipipilit niya. Kung magbibitaw siya ng mga mabulaklak na salita, baka mabago na naman niya ang isip ko.
Napapagod na ako sa pabago-bago ng aking isip. Kaya hindi ako puwedeng makinig sa iba— lalo na sa kaniya. Sa sarili ko lang ako dapat makinig.
KASABAY ko si Brad na umuwi.
"Ano'ng nangyayari sa'yo? Saan ka nag-lunch kanina?"
I told him everything. "Ang bata pa namin, Brad. Menor de edad lang ako. Tingin mo ano'ng mangyayari sa akin kapag sinuway ko ang mga magulang ko para sa kaniya?"
Natahimik siya. Maybe he realized the things that I have said.
"Kung ano ang desisyon mo, susuportahan kita," sabi niya pagktapos ng ilang minuto na katahimikan.
Sinandal ko ang aking ulo sa kaniyang balikat.
SA bahay na muna niya kami dumiretso dahil birthday ngayon ng kaniyang kapatid.
"Georgina!" Sinalubong ako ng kaniyang mommy. Nakipagbeso siya sa akin.
"Georgina, hija..." Nakangiti ding lumapit
sa akin ang daddy ni Brad.
Nang mapansin kami ng iba na katrabaho niya na nakakakilala din sa akin. Lumapit din sila.
"Magkasintahan ba kayo?" tanong nila. Kami ni Brad ang tinutukoy nila. Tumawa ako.
"Hindi po," sagot ni Brad.
"We're just friends po."
"Sa friendship minsan nagsisimula ang lahat, e..." biro nila.
Pekeng tumawa ang magulang ng kaibigan ko. Para matahimik din ang mga nakakatanda. I gave them the things they wanted to hear.
"Well, kung after seven years at single kami pareho. Baka aasawahin ko si Brad."
Tuwang-tuwa sila. Maging ang daddy ni Brad. Siguro nagdadasal na siya na sana single ako that time para may makasama ang kaniyang anak sa pagtanda.
But what if... Why not?
"No!" asik ni Brad pagpasok namin sa kaniyang kuwarto. Binibiro ko siya. At ang bakla, diring-diri at naaalobadbaran sa sinasabi ko.
"Yes!" pang-iinis ko naman sa kaniya.
"Hindi ka ba kinikilabutan, Georgina?!"
"Tumataas nga ang balahibo ko, e..." Humalakhak ako.
Binato naman niya ako ng kaniyang unan.
Hindi ko alam kung bi ba ang aking kaibigan o lalake lang ang gusto niya. Kung alin man siya sa dalawa, tanggap ko siya ng buong-buo.
MAY BAGYO kinaumagahan kaya sinuspende ang klase mula elementary hanggang college.
Malakas ang tumama na bagyo. Madami ang apektado. Nagpahanda na din ng rasyon sina Daddy at Mommy.
Nag-volunteer ako na tumulong sa pag-distribute.
Magkakahiwalay kami nina Kuya. Sumama ako sa assistant ni Mommy sa kaniyang organisasyon.
Pagdating namin sa evacuation center ng hapon, nandoon din sina Leo para maghatid ng tulong. Kasama niya si Alaiza.
Habang tinitignan ko sila, naiisip ko na bagay sila. Kung saan-saan na nga din napadpad ang pag-iisip ko.
Ten years from now, may katungkulan na si Leo sa lalawigan na ito. And Alaiza is his wife. Kasama niya sa pangangampanya, sa pagtulong sa nasasakupan niya.
At ako? Nasaan kaya ako nu'n?
Panay ang sulyap sa akin ni Leo. While Alaiza was trying to keep her cool. Hindi siya puwedeng magmaldita dahil madami ang mga matang nakamasid.
NANG matapos kaming mamigay. Dumating si Kuya Solomon. Inakbayan niya ako.
"Cervantes ang mga iyon, di ba?" tanong niya nang magawi ang kaniyang tingin kina Leo.
"Yup," tamad kong sagot.
"I heard, they transferred to your school..."
"Yeah..."
"Kaklase mo?"
"Yes."
"Inaaway ka?"
"No, Kuya. We're..." I can't find the right word to describe it.
"Civil?"
"Paanong civil?" tanong ulit niya.
"Kuya, ewan ko sa'yo." Tumawa siya.
"He looks nice..." aniya. Tiningala ko siya. Can he read mind?
"Mukha naman siyang mabait..."
"Oo nga. Okay naman siya sa klase," sagot ko.
"Panay ang sulyap sa'yo. Nagkakausap ba kayo?"
"Oo. Casual."
"Tipid ng sagot mo, ah..." natatawang sabi ni Kuya. Ginulo pa niya ang buhok ko. Ano naman kaya ang gusto niyang sabihin ko?
Na may gusto si Leo Cervantes sa akin?
Gusto kong manatiling lihim na lang ang bagay na ito lalo at titigilan na din naman niya ako.
NANG dumating ang sopas para sa mga evacuees, umuwi na kami ni Kuya. Malakas pa ang ulan kaya hindi na kami puwedeng magpagabi pa at baka ma-stranded daw kami.
Hanggang sa hapag kainan, topic namin ang tungkol sa bagyo. Tungkol sa naihatid na tulong. Kung ilan ang mga apektado.
Nauna na akong umakyat dahil natapos na kaming kumain, nag-uusap pa din sila.
Malakas ang hangin sa labas. Malakas ang ulan at mataas na din ang baha sa mga medyo mababa na lugar.
Sinara ng kasambahay ang kurtina sa malaki kong bintana.
Hindi ako makatulog kaya nagbasa na muna ako ng libro. Maaga pa naman. At wala din kaming klase bukas.
And also, I'm trying to distract myself. Mula nang makauwi ako galing sa evacuation center. Hindi na maalis sa aking isipan sina Leo at Alaiza.
I'm trying to convince myself that they we're good with each other. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Hindi na importante kung ano ang nararamdaman ko. Ang importante, hindi ako suwail na anak. Hindi ko mapapabayaan ang aking pag-aaral just because of some boy.
KINAUMAGAHAN hindi na ako sumama para mag-ikot sa mga nasalanta. Tumulong na lang ako na mag-packed ng mga relief goods.
Malakas pa din ang ulan. At ayon sa weather forecast. Bandang hapon aalis ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Hanggang sa sumunod na araw nagpapahatid pa din ang pamilya namin ng tulong.
"Hindi ka sumama ngayon?" tanong ni Kuya during dinner.
Umiling ako. "Nandoon pa man din ang mga kaklase mo," aniya.
"Sinong kaklase?" Biglang nakuha ang interes nina Daddy.
"Iyong bunsong anak ng mga Cervantes, Dad. Kasama iyong pambato nila."
"Oh..." Tumango-tango si Mommy.
"Kilala mo pala ang pambato nila."
"Yes, Mom..."
"Maganda ba?" tanong ni Mommy. Nagkibit balikat ako.
"Di hamak na mas maganda si Georgie."
"I love you too, Kuya." Tumawa kaming lahat.
"Bukas po, bibisitahin ko ang farm. Kukumustahin ko lang po si Dash..."
"Okay... Magdala ka na din ng kahit na ano'ng makakain para sa mga trabahador," sabi ni Dad.
"Okay po!" Excited na ako para bukas.
MAAGA akong bumangon kinaumagahan, para tumulong sa paghahanda ng mga dadalhin ko papuntang farm.
Tinawagan ko si Brad kanina, para ayain na magpunta doon, pero may pupuntahan daw silang mag-anak. May ilang mga kakilala at kaibigan ata sila na nasalanta ng bagyo, kaya hinayaan ko na lang siya.
After breakfast, nagpunta na ako ng farm. Lahat ng trabahador na nadadaanan namin ay hinihintuan namin para bigyan ng meryenda.
"Akala ko ba hindi ka kakandidato, Georgina?" biro nila sa akin.
"Hindi po talaga, kahit mag-rally pa kayo sa labas ng kapitolyo," sabi ko. Nagtawanan sila.
Nang maubos ang dala ko, pinuntahan ko na si Dash.
"Kumusta ka, kaibigan?" Kinuha ko ang brush upang suklayin ang kaniyang buhok.
"Gusto mong mamasyal?" Humakbang siya kaya napangiti ako. Okay, mamasyal muna tayo.
Nagpunta kami ng batis. May ilang mga sanga ng puno na nabali. May mga nagkalat din na mga dahon. Buti at walang natumba na mga puno.
May dala akong bagpack na pinaglagyan ko ng tubig, pagkain at blanket. Dala ko din ang pocketbook na nakita ko sa study room.
Tinali ko si Dash sa gilid. Naglatag ako at naupo sa blanket.
Pinuno ko ng sariwang hangin ang aking baga bago ko binuklat ang pocketbook.
Ilang pahina na ang aking nabasa nang mapagod ang aking mga mata. Napatingin ako sa kabilang bahagi ng batis.
Naalala ko bigla si Leo.
Nang unang beses ko siyang makita. Nang magkrus ang landas namin sa book shop hanggang sa...
Hindi ko na siya dapat iniisip pa, e.
Kalilimutan ko na talaga siya.
Ilang sandali pa akong nakatingin sa kabilang bahagi nang basta na lang lumitaw si Leo galing sa likod ng mga puno.
Seryoso ang kaniyang mukha habang naglalakad palapit sa gilid ng batis.
Napaawang ang aking bibig. Nanaginip ba ako? Baka nasobrahan ko na sa pag-iisip kaya kung ano-ano na ang nakikita ko.
"George!" tawag niya sa akin. Kumurap-kurap ako.
"Kung nangangamba ka. Kung natatakot ka dahil sa pagiging isang Bustamante mo at pagiging Cervantes ko..."
Heto na naman ba kami?
Paulit-ulit na lang.
"Georgina!"
"Georgina!"
Napalingon ako nang marinig ko ang pagtawag ng mga tauhan sa aking pangalan sa di kalayuan.
Hindi nila puwedeng makita si Leo. Hindi nila puwedeng malaman na nag-uusap kami.
Baka isipin nila tagpuan namin ang lugar na ito. Baka isumbong pa nila ako sa magulang ko.
"George!" tawag ulit ni Leo sa pangalan ko. Abala na ako sa pagligpit ng mga gamit ko kaya hindi ko siya nilingon.
Muli na namang sumigaw ang mga tauhan. Sina Rico ata ang mga iyon.
Bakit kaya nila ako sinundan? Ang aga pa naman, a.
Tsk.
"I'm willing to crossed the line, George!"
Mangha kong tinignan si Leo. What did he say?
Seryoso ba siya?
Napakabilis ng t***k ng aking puso habang nakatingin ako sa seryoso niyang mukha. Ang kaniyang mga mata ay nangungusap.
Kinilabutan ako. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman.