Nagkuwentuhan kami ni Leo, tungkol sa mga plano niya sa buhay. Gusto niyang maging engineer. Pero hindi daw niya alam kung magagamit ba niya ang kurso na kukunin sa kolehiyo, dahil gusto ng kaniyang ama na sumunod ito sa yapak niya. Sila ng kaniyang mga kapatid. "What do you think?" tanong niya. Nakaupo kami sa batuhan habang ang aming mga paa ay nakababad sa umaagos na tubig. "Your life, your choice..." sagot ko. "What do you think about politics? Wala ka bang plano na manilbihan sa mga tao dito sa Cotabato?" Umiling ako. "Magagawa ko naman iyon kahit hindi ako tumakbo ng kahit na ano'ng posisyon." "Kung sabagay. Ikaw ang bahala sa mga livelihood programs para sa mga kababaihan at may bahay. That will be a great help for your governor husband." Nanlaki ang aking mga mata at napan