Ito na yata ang pinakamasaya at pinakamahabang araw sa buhay ko. Tila hindi nauubos ang pera ng mga tao dahil kanina pa kami sumasayaw ni Leo habang ang mga bisita naman ay nakapila sa upang mag-pin ng pera sa likod ng suot naming mga damit. Umabot na sa sahig ang pera. Walang gaanong nagdala ng regalo at pinili nilang magbigay ng pera. Hindi ko alam kung magkano ang aabutin ng pera pero ngayon pa lang may naisip na ako kung saan ko ito ilalagak. . . Iyon ay para sa livelihood upang mas madami pa kaming mabigyan ng hanap buhay dito sa aming probinsya. Hindi ko pa ito nasabi kay Leo but I'm sure he'll agree. "Ang sakit na ng paa ko," bulong ko sa kaniya. Hindi naman ganoon kataas ang takong nito pero mag-iisang oras na kasi kaming sumasayaw. Tila wala namang kapaguran si Leo. Niya