Emosyonal kami ni Leo paggising namin kinaumagahan. Naiiyak kaming nakatingin sa aming anak habang inaayusan siya ng make up artist. Hindi ko maiwasang sariwain ang mga panahon mula nang magbuntis ako hanggang sa maipanganak ko siya at iwanan kay Kuya. Sobrang iksi. Panay naman ang punas ni Leo sa mga luha na kanina pa tumutulo mula sa kaniyang mga mata. "Mommy, Daddy, naiiyak ako sa inyo," puna ni Lilienne sa amin kaya lumabas na muna kami ng silid at hinintay na lang siya sa labas. Throughout the wedding ceremony, sobrang emosyonal namin ni Leo. The wedding went well. It was perfect as planned. Iyon nga lang bandang tanghali, nasira ang mood ko nang dumating si Alaiza. Kasama niya ang kaniyang ama at ina. Whoever invited her, didn't respect me. Wala ako sa mood pero hindi