Chapter 3

1527 Words
Patay ang dalawang lalaki matapos barilin ang kanilang mga ulo. "Itapon ang mga bangkay!" utos ng kanilang boss. "Saan namin itapon ang mga bangkay boss?" tanong ng isang tauhan. "Kahit saan!" tugon ng kanilang boss at umalis na ito. Kinabukasan, habang kumakain kami ng breakfast ni Huang Yong, ay isang balita ang aming napanood. "Huang Yong, tingnan mo ang dalawang bangkay," Bloom said. "Hindi ba iyan ang pinatakas natin kagabi?" tanong ni nito. "Exactly!" Dalawang linggo ang nakalipas. Isang business party ang dinaluhan ng aming mga amo. Kasama ang kaniyang asawa at anak. Kami naman ay nasa tabi lang at nagmamasid sa bawat taong nasa loob. Ngunit may napansin akong mga kahina-hinalang mga waiters. "Huang Yong, nakita mo ba iyang ibang waiter?" "Saan diyan, Blom?" "Iyang may mga silver pin sa kanilang mga bulsa, marami sila at nagkalat." "Oo nga, nuh! kahina-hinala nga sila, Blom." "Huang Yong, puntahan mo si Don Lawrence. Sabihin mo na mag-iingat at huwag kang lumayo sa mag-ina. May i-confirm lang ako sa kusina at balitaan kita agad." "Copy!" tugon ni Huang Yong. Maingat akong nagtungo sa kusina at nagmamasid at hindi nga ako nagkakamali dahil ang mga lalagyan ng pagkaing may mga takip ay mga baril ang kanilang inilagay. "Huang Yong! Umalis na kayo diyan. Confirm na mga kalaban sila. Papunta na ako diyan." "Okay, Blom!" Dali-dali akong bumalik at hinahanap sila. Habang naglalakad ako ay tinawagan ko na rin si General Mons Omo. Upang makapagpadala ng mga kapulisan. Hindi pa nga ako nakalapit sa aking mga amo ay nagkaputukan na. "Huang Yong, saan kayo?" "Dito sa kabila!" "Mag-one-shot ka sa itaas!" utos ko, dahil nagkagulo na ang mga bisita kaya nahirapan akong hagilapin sila. Isang one-shot ni Huang Yong, at agad akong tumakbo sa kanilang kinaroroonan. Nagpaputok ang mga kalaban at napansin ko ang kanilang mga target ay ang mga malalaking negosyante. "Don Lawrence, Huang Yong! Dito tayo!" Sabi ko nang mahanap ko sila. Naunang naglakad si Huang Yong na hawak ang bata at nakasunod naman ang mag-asawa at ako naman ang nagpahuli. Para maprotektahan sila, dumaan kami sa exit at patakas kami mula sa loob. Pinapaputukan ko ang kalaban dahil nasundan kami. Dali-dali kaming sumakay sa kotse, si Don Lawrece at ang kaniyang asawa ay sa back seat nakaupo kasama si Huang Yong. Katabi ko naman si Dekker at bago ko pinaandar ang sasakyan ay sinigurado ko muna na maayos ang pagka-seatbelt ng bata. "Don Lawrence, madam mag-seatbelt kayo." Utos ko, at tinulungan naman sila ni Huang Yong. "Honey, sino ba ang mga iyan? Bakit hindi nila tayo tinatantanan?" umiiyak na nagtatanong ng kaniyang misis. "I don't know, honey." Pinaandar ko ang sasakyan at pinaharurot ko ang takbo. Biglang nagpaputok ang aming mga kalaban at dali-dali silang sumakay sa kanilang mga sasakyan. Dalawang sasakyan ang humabol sa amin, kaya agad kong tinawagan si General. "General, kailangan namin ng back up. Nakalabas na kami, ngunit may mga humahabol sa amin." "Blom, saan na kayo banda?" Nang matapos kaming mag-usap ay nagpokus na ako sa aking pagmamaneho. Habang si Huang Yong naman ay nakikipagpalitan ng putok Bigla kong naapakan ang preno, sapagkat may isang sasakyan na humarang sa amin at mga armado ang sakay ito. Nagpalinga-linga ako sa ibang kalsada kung saan kami pwedeng makalusot. Bahagya kong pinaatras ang aming sasakyan. Ngunit niratrat kami ng mga kalaban. "Dekker, yuko!" utos ko sa bata at itinulak ko ang kaniyang balikat para maiwasan ang bala na papunta sa kaniya. "Uhh!" boses ni don Lawrence. "Blom mayroong tama ang asawa ko." sigaw ni madam." "s**t!" bulalas ko. "Pinatakbo ko ng mabalis ang kotse para maisugod namin si Don sa hospital. "Honey, huwag kang pumikit!" Boses ni madam na niyakap si Don Lawrence at hinawakan ang bahaging dibdib ng asawa, kung saan natamaan si Don. Si Huang Yong naman ay patuloy ang pakikipag-barilan sa mga kalaban na sumusunod pa rin sa amin. Sunod-sunod na putok mula sa baril ni Huang Yong at sinundan ng malakas na pagsabog. Natamaan niya ang makina, dahilan sa pagsabog ng isang sasakyan. At dahil nakaharang iyon sa daan kaya nakalayo kami sa mga kalaban. "Bloom, malubha ang lagay ni, don Lawrence bilisan mo pa!" "Huang Yong, tawagan mo si General. Sabihin mo papunta tayo ng hospital." "B-Blom... H-uang..." sambit ni Don Lawrence na paputol-putol. "Bakit, don?" Tanong ko. "H-huwag mong paba-ba-yaan ang pa-milya ko." "Gagawin namin 'yan Don." "Pa-nga-ko mo 'yan." "Opo, don Lawrence. Pangako namin 'yan." sabay naming tugon ni Huang Yong. "Malapit na tayo sa hospital Don Lawrence, huwag ka munang magsasalita!" wika ni Huang Yong. "Daddy, huwag kang mamatay Dad! Please!" Boses ni Dekker, na panay ang punas sa mga luha. Nang makarating kami sa hospital ay agad dinala si Don sa Operating Room. At kami ay naghintay sa labas. "Tawagan ko lang ang anak ko Blom, iparating ko sa kaniya ang nanyari sa daddy niya." Malungkot na paalam ni madam. "Sige po!" "General!" Sambit ko nang makita ko siyang papalapit sa amin. "Mabuti at nakalayo kayo. Kumusta si Don Lawrence?" tanong ni General Mons Omo. "Wala pang balita." "May dinala akong mga tauhan Blom para magbantay dito." "Mabuti kung ganoon General." Nang makaalis si General ay nagsimula akong mag-usisa sa aking among babae. "Madam may konting katanungan lang ako." "Ano 'yan Blom?" "Base sa aming pag- imbestiga ay wala naman kayong naka-away. Maliban lang sa mga ka-kompetensya sa negosyo. Pero sa tingin ko po ay may malalim silang dahilan. Madam may alam ka ba na pwede nilang hahabulin sa pamilya ninyo? Like importanteng bagay." "Kung importanteng bagay, isa lang ang alam ko Blom. 'Yung mga ginto na nahukay ng aking asawa sa nabili niyang lupa, doon sa isang probinsya. Pinag-aagawan pa 'yun, kung sino ang makabili." "Kung ganoon, iyan ang pakay nila. Marami ba ang nakakaalam nito madam?" "Sa pagkakaalam ko mga lima sila." "Pwede ko bang makuha ang kanilang mga pangalan?" Agad kong isinulat ang mga pangalan na sinabi ni madam, at ito ang lalakarin namin. Balak ko sanang sabihin kay General, ngunit napansin ko na may traydor sa departamento. Kinabukasan ang dating ni Dane, at hindi ko rin ito pinaalam kay General. Binilin ko kay madam na sabihan ang anak na mag-disguise siya. At agad akong tawagan pagdating niya sa paliparan. Ang lahat ng aking sinasabi ay sinunod ni madam. "Huang Yong, pupunta ako sa airport. Dito lang kayo sa loob at bantayan mo ang bawat taong pumapasok." "Okay Blom, mag-iingat ka." "Salamat." Dane's POV "Hello! This is Dane, papalabas na ako sa eroplano." "Okay, anong suot mo?" "Naka sumbrero ako ng itim, Jacket na itim at puti na pantalon." "Pamunta na ako sa entrance." "Okay!" Lumabas ako sa entrance at nagpalinga-linga, hinahanap ko ang aming sasakyan. "Sakay!" boses ng isang babae. Nagdadalawang isip ako na lumapit sa kotse, dahil balot na balot ang nagmaneho nito. "Ninja?!" bulong ko. Nakita kong may tinawagan siya at sabay ring sa aking phone, kaya nasisiguro ko na siya ang tumawag sa akin. "Hello!" bati ko. "Sakay!" tugon niya sabay off sa tawag. Lumapit ako sa sasakyan at dali-daling binuksan ang pinto sa harapan. "Sa likod!" utos ng ninja bodyguad, na hindi man lang tumingin sa akin. No choice ako at sinunod ko siya. Nang makaupo na ako sa back seat ay agad na niyang pinapaharurot ang sasakyan na animo'y pag-aari niya ang kalsada. " Wear your seatbelt, sir!" "Okay!" "Thank you!" "Babae ba ito o lalaki?" yanong ko sa aking sarili. "How was my, Dad?" "Still critical." "What happened? Bakit hindi mo siya pinoprotektahan?" "Ginawa namin, but it was an accident. Ang balang 'yun ay para sana sa kapatid mo. Kung hindi ko kinabig ang iyong kapatid, ay siya sana ang natamaan. "Bakit nangyari ito?" "Malalaman mo rin ang dahilan. Pero hindi pa sa ngayon." Aniya,at hindi ko na rin siya pinilit. Hanggang sa makarating kami ng hospital. At dali-dali niya akong dinala sa kuwarto ng aking ama. "Dane,anak." Sambit ng aking ina at yumakap sa akin. "Kuya Dane, si daddy not feeling well." Sumbong ng aking kapatid sabay iyak. "Anak, lagi kang sinasambit ng iyong daddy." sabi ng aking ina. Dahan-dahan akong lumapit sa aking ama na parang lantang gulay. May oxygen na nakakabit sa kaniyang ilong. "Dad, I'm here now. Dad, please lumaban ka," sabi ko at yumakap sa aking ama. "Dane.... Dane anak." tawag niya sa akin. sobrang hina niya at nahihirapang magsalita, inalis niya ang oxygen. "Hindi na ako magtatagal, huwag mong pabayaan ang mommy at kapatid mo." "Dad, please! Huwag kang magsalita ng ganyan," garalgal kong sabi. "Blom. Huang Yong." Sambit niya sa dalawang badyguard at lumapit naman ang mga ito. "Bakit Don Lawrence?" tanong ng mga bodyguard. "Huwag mong pabayaan si Dane. Pangako mo sa akin." "Opo,pangako Don Lawrence. At ipapangako kong bibigyan ko ng hustisya ang nangyari sa'yo." "Salamat, Blom." "Honey. Mahal na mahal kita. I'm sorry," sabi ni Dad sa aking ina na may mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. "I love you too, honey," luhaang tugon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD