Umalis si Blom,gamit ang kanyang motor bike. Iyon ang ginamit niya, upang mas mabilis ang kanyang pagdating sa bayan. Balisa naman si Dane,habang iniisip ang kanyang asawa. Sa pangamba na baka susugod na naman itong mag-isa "Sana,tuparin mo ang pangako mo Hyo-Ji, baka hindi ko na kakayanin kapag nawala ka pang muli sa'kin." Mag-isang pahayag nito. Mahigit dalawang oras bago nakarating si Blom sa hospital. Bantay sarado ang kuwarto ni Isko,kaya tinawagan niya si General Mons Omo, Upang humingi ng permiso na makausap niya si Isko. Sinabi rin niya ang tungkol sa pagkadukot kay Huang Yong at sa nobyo nito. Nang matapos ang kanilang pag-uusap,ay agad namang tinawagan ni General ang tauhan na naka talaga sa pagbabantay ni Isko. Pinapapasok si Blom at hindi na siya nag-aksaya ng oras, agad n