KUMUHA si Blom ng Bundle-bundle na salapi at naghalungkat siya sa drawer na pwedeng malagyan nito. Isang milyon ang kaniyang kinuha at nang matapos niya itong maipasok sa isang malaking sobre ay dali-dali na siyang lumabas. Ngunit bigla siyang napahinto ng maalala niya ang cctv. Muli niya itong binalikan at binaril. "Hindi mo ako maiisahan Tony,"bulong niya. Hinahanap niya ang koneksyon ng cctv, sapagkat alam niya na,nasa loob lang ito. "GOTCHA!" Aniya, nang makita niya ang laptop. Kinuha niya ito at dinala, patakbo siyang bumalik ng sala. " Ito! Gamitin mo sa pagbabagong buhay, lumayo kayo ng iyong pamilya at siguraduhin mong hindi ka masundan ni Tony." "S-salamat ma'am Hyo," Nakangiting sabi ng lalaki. Tayo na Hyo-Ji,"yaya ni Dane. "Dito tayo ma'am," Sumunod naman ang m