"Mayroon pang cake baka gusto ninyo," seryosong alok ni Hyo-Ji.
"O-okay..." tugon ni Shash.
"No! No! Thanks! Huwag ka nang mag-abala sa amin Hyo-Ji, busog pa kami."
"I see."
"Ano ka ba, dude! Baka sa susunod niyan ay lason na ang ilalagay sa cake!" bulong ni Dixter sa aming dalawa ni Shash.
"HOIST! Tumigil ka nga! Baka marinig ka pa ni Hyo-Ji, nakakahiya naman." Saway ko sa kaniya, at pinandidilatan ko pa siya ng aking mga mata.
"AAAH! ARAAY! My—God! Ang sakit ng ulo ko..." tili ni Hyo-Ji. Ulo ang masakit pero sa tiyan ito nakahawak.
"Tingnan mo, dude. Parang bulate ang dreamgirl mo,"
bulong na naman ni Dixter, sapagkat ay kuminding-kinding si HyoJi sa upuan. Habang sinasabing masakit ang kaniyang ulo, subalit sa tiyan nakahawak.
"I know it! I know it! Sinasadya niya iyan para ma-discourage ako sa kaniya," bulong ko sa kanila.
"Ows?! 'Di nga, dude?" tugon ni Shash.
"Excuse me mga sir! May kailangan pa ba kayo? Kung wala na baka naman puwede na kayong umalis. Para naman makapagpahinga na ako, galing pa kasi ako ng flight. Kaya may jetlag pa," pagdadahilan niya.
"A, Hyo-Ji, baka gusto mong dalhin kita sa doctor. I worry you kasi," alok ko.
"Yes! Yes! We worry you too!" sabat naman ng dalawa.
"AHH! Hindi na kailangan, ipapahinga ko lang ito."
"O-okay, sige alis na lang kami. Pero puwede ba akong bumalik sa ibang araw?" pangungulit ko.
"Hmmm... Pwedeng-pwede naman, basta ipapaalam mo muna sa akin kung pupunta ka. Baka kasi wala ako dito," tugon niya, at nasiyahan ako sa sinabi ni Hyo-Ji.
"Thank you ha," abot tainga ang aking ngiti.
"Welcome!"
Tugon niya, na may kasamang nakakaakit na ngiti. Idagdag pa ang malalim niyang dimple.
"Ayayay! Ang ngiti niya nakalaglag ng brief."
Biglang bulong ni Dixter at bahagya pang diniinan ang pagkahawak sa aking puwit. Na tila gigil na gigil ito. Napaangat naman ang aking katawan, medyo masakit, pero tiniis ko.
"May goodness!Magkakasala ako sa aking asawa." turan naman ni Shash.
"Mga walang hiya kayo dude! Balak niyo pa yatang makikipagkaribal sa akin, lumabas na nga kayo!"
Pinagtutulakan ko silang dalawa papalabas, dahil hindi ako makaporma kay Hyo-Ji.
"Ikaw, hindi ka pa aalis?" Nakangiti niyang tanong.
"Huh?! A-e, p-paalis na. Hyo-Ji, baka pwedeng makuha ang number mo." nahihiya kong sabi.
"Sure! Wait, isusulat ko lang."
Umalis siya at isinulat ang kaniyang personal na number sa papel..
"YES!" Bulalas ko ng makatalikod siya.
"Here!" Aniya, sabay abot ng papel.
"Maraming salamat Hyo-Ji, sige, alis na ako ha,"
"Okay! Mag-iingat kayo." bilin niya.
B-bye!
Bye!
Bye!
Paulit-ulit kong paalam, habang paatras akong nagtungo sa aking kotse. Kumakaway pa si Hyo-Ji, hanggang sa makaalis na kami.....
-HYO-JI-
"Jesus!" Bulalas ko nang makaalis sila.
"Hyo-Ji, sino ba ang mga 'yun?"
"Mga stalker lang 'yun tiya. Kung sakaling babalik sila sabihin mong nasa biyahe ako. Aalis na ako tiya." Bilin ko at dali-daling pumasok sa aking kuwarto.
Agad akong nagbihis ng pang ninja at tumalon na sa bintana. Upang sundan ang aking amo, na sin-tigas ng bakal ang ulo.
"Ang kukulit talaga nitong tatlo! Humanda kayo sa akin!"
-DANE-
"Grabe dude! Hindi ako maka-move on sa juice," panimulang sabi ni Shash.
"Ako, hindi ako maka-move on sa ipinakita niya. Maganda 'OO', pero parang trililing. Biruin mo, masakit daw ang ulo niya pero sa tiyan humahawak parang matatae yata si dreamgirl." turan ni Dixter.
at nagtawanan ang dalawa at naiinis naman ako, ngunit mas pinili kong manahimik at ini-imagine ang mukha ni Hyo-Ji.
"Ang ganda tagala ng wife to be ko, gagawa talaga kami ng isang dosenang supling." bulong ko sa aking sarili at nakangiti habang patuloy sa pagmamaneho
"Hoy! Dude, anong akala mo kay Hyo-Ji, inayang baboy? Ang maniac nito! HAHAHA!" pangungutya ni Shash
"MANIAC! LOL!"
Inis kong tugon, sabay bato sa kaniya ng aking phone at
nagtawanan na naman silang dalawa.
"JESUS!" bulalas naming tatlo. Sapagkat may biglang bumaril sa amin!
"s**t! Dude, mga kalaban!" tarantang sabi ni Shash na hindi mapakali sa kinauupuan.
Tunog ng aking sasakyan at binundol ang aming likuran. Isang itim ng sasakyan ang sumunod sa amin
"Dude! B-bilisan mo pa! s**t! Ayaw ko pang mamatay!"
Boses ni Dixter na sobra ang takot. At kapwa sila ni Shash na dumapa sa upuan, upang hindi sila matamaan.
"HOLY s**t!" Nanginginig na bulalas ni Shash. Dahil binundol na naman kami.
"OH MY GOD! Dude, bilis-bilisan mo pa!" sigaw ni Shash, matapos kaming pagbabarilin ulit.
Ako na naman ay parang lumilipad na ang aking espiritu sa sobrang takot.
Pinutukan mula sa baril ni Blom. at tinamaan niya ang gulong kaya sumabog.
"s**t! Ano 'yun dude?!" Tarantang tanong ni Dixter, at nakayakap na ito kay Shash.
"BLOM!"
Bulalas ko, sapagkat nakita ko siya sa side mirror.
"SAKAY!" Bulyaw ni Blom sa aming tatlo.
NANG makita siya ng aking dalawang kaibigan ay mas nadagdagan pa ang kanilang nerbiyos. At sobrang takot ang naramdaman, hindi kami agad nakakilos dahil galit ang kaniyang boses.
"Sasakay ba kayo o iiwan ko kayo!" Seryosong utos niya, at akmang papaandarin na ang kotse.
Kaya nag-unahan kaming tatlo sa paglabas mula sa aking sasakyan.
"s**t!" Sigaw ni Shash, dahil bigla kaming pinagbabaril.
Buti nalang ay maagap kaming nakasakay sa kotse ni Blom
Bumaba si Blom at gumanti sa pagpapaputok, natamaan niya ang dalawang lalaki. Napansin ni Blom na may back-up ang kalaban kaya dali-dali siyang sumakay at pinaharurot ng takbo ang sasakyan.
"Mag-seatbelt kayo!"
Utos niya sa amin. Dali-dali naman naming ikinabit ang seatbelt lalo na, nang makita naming nasa two hundred speed na siya.
Putok mula sa kalaban na sumusunod pa rin sa amin. Ang dalawa kong kaibigan ay halos hindi na makapagsalita, dahil sa pangyayari na hindi namin inaasahan.
Mas binilisan pa ni Blom ang takbo na umabot na ng three hundred speed.
"Tawagan mo si General Mons Omo, humingi ka ng back-up." Utos niya sa akin at inabot ang kaniyang phone.
Nanginginig ang aking kamay habang dina-dial ko ang numero ni General.
"Kayong dalawa, hito gamitin ninyo. Paputukan niyo ang mga kalaban."
Turan ni Blom at inabutan niya ng tig-iisang baril ang aking mga kaibigan. Hindi nila ito tinanggap at kapwang nagkatinginan. Sapagkat pareho kaming tatlo na walang kaalam-alam sa baril.
"H-hindi ako marunong." wika ni Dixter.
"Ako rin," sabat ni Shash."
"Itutok niyo lang sa kalaban at kalabitin. Ganoon lang 'yun!"
Tinanggap nila ang baril at humarap si Shash sa likod, sabay bukas ng bintana.
Tinutok nga niya sa kalaban at kinalabit.
Napasigaw si Shash at nabitawan ang baril at nagpailing-iling siya.
"Dude, anong nangyari?" tanong ni Dixter.
"Ano?!" balik tanong niya.
"Anong nangyari?" tanong ulit ni Dixter.
"Anong sabi mo?! Hindi kita maranig!"
Lumapit ako sa kaniyang tainga sabay sigaw. "ANO DAW ANG NANGYARIIII!" Sigaw ko..
"Bakit mo ako sinigawan dude?! Galit ka ba?!" Aniya.
"Nah!" tanging nasabi ko at napailing-iling na rin.
Hindi mapigilang halakhak ni Dixter, na tila nakalimutan na nasa panganib kami.
May naisipan naman si Dixter para hindi mabibingi. Kumuha siya ng tisyu at inilagay niya sa kaniyang dalawang tainga. Bago niya kinalabit ang baril.
"YES! YES! Natamaan ko dude." masayang sabi nito. Kaya umulit siya sa pagbaril, ngunit naunahan siya ng kalabam.
At napasigaw si Dixter, dahil muntikan siyang matamaan.
"Ayaw ko na dude!" turan niya at inabot sa akin ang baril.
Todo iling naman ang nagiging reaksyon ni Blom. Binilisan niya ang pagpatakbo at lumiko siya sa tahimik na daan. Upang walang madadamay na mga inosenteng tao.
Sinundan pa rin kami ng dalawang kotse at patuloy pa rin ang putukan.
"Sir Dane, ikaw muna ang mag-drive." utos niya.
"O-okay!"
Agad kaming nagpalit ng posisyon at may kinuha siya sa ilalim ng aking inupuan. Dalawang granada ang kaniyang hawak at pinalitan niya ng magasin ang kaniyang dalawang hawak na baril.
Binuksan niya ang ibabaw na takip ng sasakyan at tumayo siya sabay hagis sa isang granada.
BOOOM!
Tunog ng sumabog na granada at gumiwang-giwang ang isang sasakyan. Agad niyang sinundan ng pagpapaputok ng kaniyang armas.
Putok mula sa kaniyang baril, lalo akong napahanga sa aking bodyguard. Dahil sa husay niya sa paggamit ng armas, sapagkat bawat putok ay siguradong may matamaan.
Umupo siya at may dinukot na naman sa ilalim ng upuan. Kinuha niya ang kaniyang pana at dali-daling ina-assemble. Wala pang tatlong minuto ay nabuo na niya ito.
Tulala ang aking mga kaibigan sa ginagawa ni Blom, na tila hindi makapaniwala sa kaniyang mga galaw.
Kumuha siya ng electrical tape at itinali niya ang granada sa bala ng pana..
"Stop the car!" aniya, matapos niyang maitali ang granada.
"What?! Hindi pwede baka maabutan tayo," reklamo ko.
"Ihinto mo! Baka gusto mong ikaw ang panain ko nitong granada." seryoso niyang sabi.
"Dude, stop the car daw!" sabat ni Shash.
"Ihinto mo na dude, baka madamay pa kami." boses ni Dixter.
"O-oo! Hito na!" Pinahinto ko ang kotse at agad lumabas si Blom.
Tumayo siya sa kitna ng kalsada at itinutok ang kaniyang pana sa paparating na kalaban. Maya-maya pa'y pinakawalan na niya ang bala ng pana.
BOOOOM!
Sumabog ang sasakyan ng kalaban kasama ang mga sakay nito.
"YES! BULLSEYE!" Sigaw ni Shash na tila nawala ang takot.
"Wow! Idol!" tugon naman ni Dixter.