“MANANG, si Mommy ho?” Lumingon ang katulong sa akin, ngumiti. Nasa gitnang edad na ito, at ilang taon na ring naninilbihan sa amin ni mommy. “Hindi pa dumating.” “Si ano ho, si Kayla?” Kumuha ako ng maiinom sa ref, nakita ko ang orange juice na nasa pitsel at nagsalin sa isang baso. “Nasa may pool yata, nagpapahangin.” “Salamat ho, Manang.” Nagpaalam na ako rito. Ipinagpatuloy naman nito ang pagluluto ng aming hapunan. Inilapag ko ang backpack sa sofa nang madaanan ko iyon papunta sa may pool. Patuloy ako sa pagsimsim sa orange juice habang naglalakad. Sa harapan ako lumabas, lumakad sa may gilid ng bahay papunta sa likuran. Nilampasan ko ang garden ng mga bulaklak ni mommy, bago ko narating ang pool. Natigila