Nakakabinging katahimikan ang namayani sa aming dalawa ng ilang sandali ngunit ako na ang bumasag nito. Kung wala siyang balak, ako na ang naglakas loob na nagsalita. Nagtataka rin akong ganito siya kaaga. Sinadya niya bang ganitong oras pumunta para kakausap ako o sadyang nagkataon lang? Nagkataon lang siguro dahil hindi na namin inaasahan ni Janice na ganito kami kaaga pumasok. "Bakit?" mahinang tanong ko. "Ano ang gusto mong pag-usapan natin?" I still can't believe I manage to speak first. Sa aking dalawa ay palaging si Kairo ang unang nagsasalita kung ganitong tahimik kaming dalawa. Hindi man lang siya kumibo nang tanungin ko siya. Ang akala ko ay hindi na siya sasagot pa ngunit mali ako. "I need to tell you something," aniya na hindi man lang tumitingin sa akin. Yeah, I know what I