As what I'm expecting. Lahat ng madadaanan ko ay nasa akin ang tingin. Kanina pa simula nang makalabas ako ng sasakyan ni Janice. Unang araw ko ngayon na makabalik ako sa eskwela kaya ayokong masira ang araw ko sa mga tingin na ipinukol nila sa akin. What's weird about it was that they are giving me this obnoxious sympathy look. Ayaw na ayaw kong makita ito kanino man. Naaawa na nga ako sa sarili ko, dadagdagan pa nila. Utang na loob naman, ngumiti sila. Buti na lang at may ibang ngumingiti rin. Everyone still don't know about me and Kairo. Bago sila kinaladkad ng pulis palabas ng school ay nangako silang hindi nila sasabihin nino man ang kanilang nalalaman, lalo na si Nicole ayon kay Kairo kagabi nang sabihin niya sa akin. Binati ako ng ilan na nakakakita sa akin, which is new. Hindi

