"Where are you going after this?' I spout the words after taking a lick from my cone of vanilla ice cream. Lumingon si Janice sa akin, tumigil siya sa pagdila ng hawak na icecream. Tumingin siya sa akin nang nagtataka. "What do you mean? Sa bahay niyo, naiwan ko doon ang kotse, remember?" "Oo naman. I mean, after mo makuha ang sasakyan." Gusto kong malaman kung pupunta ba siyang puntod ni Baby Angelo gaya ng nakaugalian. Sasama kasi sana ako, ayaw ko pa munang umuwi. "Uuwi na, bakit mo natanong?" "Hindi mo ba bibisitahin ang kapatid mo?" takang tanong ko. Naglalakad na kami ngayon, pagkatapos mabayaran ang binili. Tuwing umuuwi kami galing sa gala ay pinupuntahan muna ni Janice ang kapatid niya. Every festival 'yan. Sabi niya sa akin dati na palagi niya raw dadalawin ito dahil sigur