After what seems like an hour, we finished looking for the things listed on the paper I'm holding. Nilibot namin ang store para hanapin si Mama. Pumunta kami sa kung saan matatagpuan ang mga karne dahil iyon ang sa listahang pinili ni Mama. Nahanap namin si Mama ngunit hindi siya nag-iisa. Hindi ko nakikilala ang lalaki dahil nakatalikod ito sa amin pero parang pamilyar ang kaniyang pigura. Nang makalapit at narinig ang kanilang pag-uusap ay doon ko pa lamang nakilala kung sino ito. Si Kairo. Para akong nawalan ng hininga at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. "Pumunta ka mamaya ah. Magluluto ako ng kare-kare. Alam kong gusto mo rin ang ulam na yun," nagagalak na pag-imbita ni Mama. Hindi nakasagot si Kairo sa kaniya. Halatang hindi alam ang sasabihin. Hinila ako ni Janice papala