It happened so fast. Kahapon ay libing ni Aling Ivy. I wasn't ready to see her buried under the ground yet. Hindi pa ako handa na makita siyang wala ng buhay. But you know what's good happens to me during that time? Nandoon si Kairo nang mga panahong iyon. When I broke down he's always there. At wala na akong hihilingin pa. He's just so perfect.
Lunes, nandito kami ngayon sa rooftop ng school. It's lunch. Naisipan naming dito kumain. Kakatapos lang namin, tahimik lang kaming dalawa. Enjoying the serenity of the moment. I wondered what he's thinking right now.
Lumingon ako sa kaniya para tingnan ang mapayapa at gwapo niyang mukha ngunit natigil ako dahil nakatingin na pala siya sakin. He's looking at me intently.
Ngumiti ako dahil alam ko kung ano ang kaniyang iniisip. I drew my face toward him. Hindi ako nabigo dahil sinalubong niya ako. Our lips collided and we share an intimate, full of passion kind of kiss.
It was when I thought we're having a good time but it all happened in a blink of an eye.
We heard someone gasp and the first thing I know. Nasa sahig na ako.
Kairo pushed me.
"Anong ginagawa niyo?"
Lumingon ako sa kung saan galing boses na iyon at nagulat nang makita kung sino.
Si Alfred. Isa sa mga kaibigan ni Kairo.
Bumilis ang t***k ng aking dibdib. Tumingin ako kay Kairo at nakita siyang namumutla. Naninigas sa kaniyang kinatatayuan.
Agad akong tumayo at lalapit sana sa kaniya ngunit hindi ko pa man nagagawa ay bigla siyang napasigaw.
"Don't! Huwag kang lumapit sa'kin," he said. His voice was thick and it feels like any moment now maiiyak na siya.
Natigil ako sa paglapit sa kaniya. Para akong sinampal ng katotohan.
We're secretly dating. No one knows about it until now. Tumingin ako sa gawi ni Alfred at nakita siyang tinitingnan niya kami ng maigi.
I don't know what's running in his mind right now. Dahil ang gulat niyang mukha ay napalitan na ng hindi ko mabasang ekspresyon.
"It's not what you think it is," Kairo said. Mataas ang kaniyang boses. Trying to convince Alfred that it was nothing.
Hindi ko na alam kung ano ang aking maramdaman. This is too much. Sobrang sakit sa pakiramdam.
Nahuli na nga kami bakit parang itatanggi parin niya?
Agad tumalikod si Alfred at naglakad palabas.
"Wait!" sigaw ni Kairo ngunit hindi siya tumigil. Patuloy lang siyang naglakad na hindi lang man lumilingon sa amin.
Nang makalabas siya ay nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin.
What now? Kairo was still looking at the entrance. Ang kaniyang mukha ay parang hahabulin niya si Alfred ngunit hindi niya magawa.
I approached him again, good thing he didn't stop me now.
"Kairo look at me," malambot na sabi ko.
I didn't touch him. I didn't hold his hand.
Natatakot ako. Ayaw kong madagdagan ang sakit sa aking puso kung sakali mang itutulak niya ulit ako.
Ayaw kong itulak niya akong muli o baka gagawa na naman siya ng bagay na makakadagdag sa sakit na aking nararamdaman.
"Kairo please," I plead.
Lumingon siya akin and I saw his bloodshot eyes.
I badly wanted to hug him right now but I can't.
Nang makita niya ako ay parang bumalik siya sa kasalukuyan.
He looked worried now. Tiningnan niya ako mula hanggang paa at lumapit siya sa akin.
"I'm sorry baby. Im so sorry."
He envelopes me in his warm embrace.
Nagulat ako.
This was the first time I saw him like this.
Umiiyak siya habang niyayakap ako ng mahigpit.
"I'm so sorry. Please forgive me. Hindi ko sinasadya na itulak ka. Sorry. Im really sorry."
Parang piniga ang aking puso nang marinjg ang kaniyang hikbi.
I hug him back and held his trembling body.
Alam kong hindi niya iyon sinasadya. He's not out yet kaya I understand. Kung ako siguro ay hindi lang iyon ang magawa ko.
I remember last time when I'm also not out yet. I am conscious in every move I made. At kapag nanonood kami ng mga palabas iniiwasan kong hindi mapatitig sa mga leading man na sobrang hot.
Ngunit iba ang akin kay Kairo. He's been dating girls before and still attracted to every girl his type.
I never been dating any girls before so they're suspicious and thought maybe I'm gay. They assumed that I'm gay because of my dating history. Actually, hindi siya matatawag na dating history dahil ni isang tao ay wala akong naging kasintahan. They jump into a conclusion that I'm gay. Kaya nung sinabi ko sa kanila ay hindi na sila nagulat pa. Lalo na si Janice. Natawa pa nga siya dahil parang maiihi na raw ako sa suot kong shorts.
"It's okay," mahinang bulong ko sa tainga ni Kairo habang hinahaplos ang kaniyang likod. Nanatili kaming ganito hanggang sa kumalma siya.
Umupo kami ulit. Ang kaninang tahimik na paligid ay parang mas lalong tumahimik. Ang pinagkaiba lang ay magulo at maingay ang isipan ko ngayon.
Ano nang mangyayari? Ititigil na ba namin itong relasyon namin? Ngunit paano? Hindi ko ata kakayanin.
Just a single thought about me and Kairo breaking up flipped my insides.
"No we're not," rinig kong sabi niya.
Tumingin ako sa kaniya na nagtataka.
"You're thinking out loud."
Ganoon ba ako lagi kung mag-isip. No wonder he always reads my kind. O baka nababasa niya lang ang aking isipan. Kapag nag-iisip ako ng malalim kasama si Janice ay hindi naman ganito.
"Ano nang gagawin natin ngayon?"
"I don't know," he responded.
I don't like to hear his defeated voice. Parang nagdadala lang ako ng dagdag isipin sa kaniya.
"No. You're more than that. You bring me happiness, Jas."
Namamangha ako sa kakayahan niyang mabasa ang aking isipan. Walang kahit na sino ang nagiging ganito sa akin. Maybe it was all written in my face. That's why.
We stayed silent for a moment. Hindi ko rin alam ang sasabihin.
Tumunog ang bell para sa first class ngayong tanghali.
What now? What are we supposed to do?
"Act like nothing happened. I know he won't tell a single soul," paninigurado niya sa akin.
I don't want to overthink pero pano kung sinabi na niya sa lahat?
Ayaw kong madagdagan ang mga taong galit sa akin. Lalo na iyong mga nagkakagusto kay Kairo. Hindi pa kasi si Nicole dun.
"So please. Don't beat yourself over it. Gagawan ko ng paraan."
Ano klaseng paraan? Lumingon ako sa kaniya at nakita ang nakakakuyom niyang kamao.
"Anong gagawin mo?" nag-aalalang tanong ko.
"Nothing. Pero kapag may sinabihan siya ay siguradong pagsisihan niya."
Ayaw kong nakikitang ganito siya. Ngunit natatakot din akong baka bukas o mamaya ay kalat na sa buong kampus ang nangyaring nakita ni Alfred kanina.
"Let's go."
Saglit niya akong hinalikan sa labi at sabay kaming bumababa.
Palagi akong tumitingin sa aking paligid. Tiningnan ko rin ang bawat tao na madadaan namin. Baka pinag-uusapan na nila kami. Ngunit sa mga nakikita ko ay parang wala naman silang nalalaman. Nakahinga ako ng maluwag.
Kahit sa loob ng klase ay parang wala lang din nangyari. Ewan ko kahit na hindi naman nila alam ay hindi ko maiwasang mangamba. Paano kung kinabukasan ay kumakalat na pala ito? Sana hindi. Baka tuluyan na akong iwan ni Kairo kapag nangyari iyon.
Nakinig na lang ako sa diskasyon ni Ma'am Bayona at nagsulat sa notebook ng mga importanteng bagay na kaniyang binanggit.
Sinubukan kong mag-focus at makinig kahit na ang aking isipan ay sobrang ingay na parang may digmaang nagaganap.
Hanggang sa natapos ang lahat ng klase ay hindi parin nawawala sa akin ang pangamba. Palagi kong tinitingnan ang aking paligid. Hindi ko maiwasan kabahan nang may minsang tumitingin sa akin. Gumagaan lang ang aking pakiramdam nang ngumiti sila.
Feel ko ay buong tanghali akong nakamasid sa paligid. Napansin siguro ito ni Kairo dahil nang makalabas kami sa panghuling klase ay hinila niya ako sa isang sulok ng building nang makitang wala na masyadong tao.
"Hey. Stop doing what you're doing. Kahit si Janice ay napapansin ka niya," aniya.
"I can't help it, Kairo."
Paano kung hindi lang namin nalalaman at alam na pala nilang lahat. Nagkukunwari lang sila na hindi.
Okay, I need to stop. This is not healthy.
"Hindi nila alam at hindi na nila malalaman. I wll make sure about that."
Janice appeared out of nowhere.
"Anong nangyari?"
Ang tanong ay alam kong para sa akin.
I looked at her. Ang tingin na alam naming pareho. Tingin na nagsasabing sasabihin ko mamaya..
"Tara na. Baka may makapansin pa sa inyong nag-uusap," sabi ni Janice.
We headed to the parking lot of the school.
Gamit na kasi ni Kairo ang sasakyan ng kaniyang magulang. Pinadala na raw ito sa kaniya. Mukhang ibibigay na nga raw sa kaniya ito.
Nang marating namin ang parking lot ay nakita agad namin si Nicole na naghihintay sa sasakyan ni Kairo.
Alam ko kung ano ang kaniyang sasakyan dahil ginamit na ito namin noon.
Ang una kong napansin ay ang masama niyang tingin sa akin. Palagi namang masama ang kaniyang tingin sa akin ngunit ngayon ay kakaiba. Para bang mas lalong galit siya. Hindi ko alam kung bakit siya ganito. Hinayaan ko na lamang.
Nagtinginan kami saglit ni Kairo nang marating niya ang kaniyang sasakyan. Pumunta kami ni Janice sa kaniyang sasakyan. Nang makapasok ay tiningnan ko kung nasaan si Kairo. Hindi pa sila pumasok at umaalis. Mukhang may pinag-uusapan sila.
Akmang hahalikan ni Nicole si Kairo ngunit umiwas siya rito. Gumaan ang aking pakiramdam nang gawin niya ito. He promised me before na hindi na mauulit pa ang nangyari noong naghalikan sila ni Nicole. I'm happy to see he's doing it right now.
Janice started the engine and we headed home. Sinabi ko sa kaniya ang lahat ng nangyari habang sa daan. Tamang-tama lang nang makarating kami sa bahay ay natapos ko ng sabihin sa kaniya lahat.
We bid each other goodbye. Hinintay ko munang makaalis siya ng tuluyan bago pumasok ng bahay.