KAKAPIKIT lang ni Asia nang maramdaman ang kamay sa kanyang tiyan. Saglit na humaplos si Callen doon at kinausap ang ipinagbubuntis niya, pagkuwa’y umakyat papunta sa dibdib niya. Nagmulat siya para tingnan ang asawa na noo’y alanganin ang ngiti sa kanya. “Hindi makatulog?” aniya sa asawa. Nahihiyang tumango ang asawang si Callen. “Bakit?” nagtatakang tanong niya rito. “I can’t sleep, corazon.” “Yeah. Sabi mo nga.” Nakataas ang kilay niya. May idea na siya kung bakit nito sinabi iyon, base iyon sa mga haplos at pisil nito. “P-pwede ka ba?” Kasunod niyon an pagpisil nito sa kanyang dunggot na ikinakagat niya ng labi. “Seriously, corazoncito?” “Please?” Damn! Wala bang kapaguran ang asawa? Late na nga silang makalabas ng silid kaninang umaga. Naiintindihan niya dahil nasa honeymoo
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books